Mga Salmo67

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Isang awit na ginagamitan ng instrumentong may kuwerdas.

1O Diyos, kaawaan nʼyo kami at pagpalain.Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihan,2upang malaman ng lahat ng bansaang inyong mga pamamaraanat pagliligtas.
3Purihin ka nawa ng lahat ng tao, O Diyos.4Magalak sana ang lahat ng tao at umawit ng papuri sa inyo,dahil sa makatarungan nʼyong paghatolat pagpatnubay sa lahat ng bansa.5O Diyos, purihin sana kayo ng lahat ng bansa.
6Umani nawa ng sagana ang mga lupain.Nawaʼy pagpalain nʼyo kami, O Diyos, na aming Diyos.Magkaroon sana ng takot sa inyoang lahat ng tao sa buong mundo.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3