Mga Salmo66
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.
1Kayong mga tao sa buong mundo,isigaw ninyo ang inyong papuri sa Diyosnang may kagalakan.2Umawit kayo ng mga papuri para sa kanya.Parangalan ninyo siya sa pamamagitanng inyong mga awit.3Sabihin ninyo sa kanya,“O Diyos, kahanga-hanga ang inyong mga gawa!Dahil sa inyong dakilang kapangyarihan,luluhod ang inyong mga kaaway sa takot.4Ang lahat ng tao sa buong mundoay sasamba sa inyona may awit ng papuri.”5Halikayoʼt tingnan ang kahanga-hangana ginawa ng Diyos para sa mga tao.6Pinatuyo niya ang dagat;tinawid ito ng ating mga ninunonang naglalakad.Tayoʼy mangagalak sa kanyang mga ginawa.7Makapangyarihang maghahari ang Diyos, magpakailanman.Mga bansaʼy kanyang pinagmamasdan,kaya ang mga sumusuway sa kanyaay hindi dapat magmalaki.8Kayong mga tao, purihin ninyo ang Diyos!Iparinig ninyo sa lahat ang inyong papuri.9Iningatan niya ang ating buhayat hindi niya hinayaang tayoʼy madapa.10Sapagkat sinubok ninyo kami, O Diyos, upang dalisayin;tulad namiʼy pilak na dinalisay sa apoy.11Hinayaan nʼyo kaming mahuli sa bitagat pinagpasan nʼyo kaming mabigat na dalahin.12Pinabayaan nʼyo ang aming mga kaawayna tapakan kami sa ulo;parang dumaan kami sa apoyat lumusong sa baha.Ngunit dinala nʼyo kami sa lugar ng kasaganaan.13Mag-aalay ako sa inyong Templo ng mga handog na sinusunog upang tuparin ko ang aking mga ipinangako sa inyo,14mga pangakong sinabi ko noong akoʼy nasa gitna ng kaguluhan.15Mag-aalay ako sa inyo ng matatabang hayop bilang handog na sinusunog,katulad ng mga tupa, toro at mga kambing.16Halikayoʼt makinig, kayong lahatna may takot sa Diyos.Sasabihin ko sa inyoang mga ginawa niya sa akin.17Humingi ako sa kanyang tulong habang nagpupuri.18Kung hindi ko ipinahayag sa Panginoonang aking mga kasalanan,hindi niya sana ako pakikinggan.19Ngunit tunay ngang pinakingganako ng Diyosat ang dalangin koʼy kanyang sinagot.20Purihin ang Diyos,na hindi tumanggi sa aking panalangin,at hindi nagkait ng kanyang tapat na pag-ibig sa akin.Biblica, Inc.