Mga Salmo65

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1O Diyos, marapat ka naming purihin sa Zion!Ang mga ipinangako namin sa inyoay aming tutuparin.2Sa inyo lalapit ang lahat ng tao,dahil dinidinig nʼyo ang mga panalangin.3Napakarami ng aming kasalanan,ngunit pinapatawad nʼyo pa rin ang mga ito.4Pinagpala ang taong pinili nʼyoat inanyayahang manirahansa inyong Templo.Lubos kaming magagalaksa mga kabutihang nasa inyong tahanan,ang inyong banal na Templo.
5O Diyos na aming Tagapagligtas,tinugon nʼyo ang aming mga dalanginsa pamamagitan ng inyong kamangha-manghangpagliligtas sa amin.Kayo ang pag-asa ng tao sa lahat ng lupainat maging ng manlalayag sa malawak na dagat.6Itinatag nʼyo ang mga bundoksa pamamagitan ng inyong lakas.Tunay ngang kayoʼy makapangyarihan.7Pinatatahimik nʼyo ang ingay ng mga alon,ang hampas ng karagatan,at ang pagkakagulo ng mga tao.8Dahil sa inyong mga kahanga-hangang ginawa,namamangha sa inyo pati ang mga nakatirasa malayong lugar.Mula sa silangan hanggang kanluran,ang mga tao ay napapasigawsa tuwa dahil sa inyo.
9Inaalagaan nʼyo ang lupa at dinidiligan ng ulan.Pinabubunga at pinatataba nʼyo ito.Ang mga ilog, O Diyos, ay patuloy ninyong pinaaagos.Binibigyan nʼyo ng ani ang mga tao.Ganito ang itinakda ninyo.10Pinaulanan nʼyong mabuti ang lupang binungkalhanggang sa itoʼy lumambot at mapuno na ng tubig.Pagkatapos ay pinagpapala nʼyo ang mga pananim.11Pinag-aapaw nʼyo ang panahon ng anihan,at saan ka man dumaan ay puno ng kasaganaan.12Kahit na ang ilang ay naging pastulandahil sagana sa mga damo at ang mga burolay parang mga taong puno ng kagalakan.13Ang mga parang ay punong-punong mga kawan ng tupa at kambingat pawang mga pananim  ang makikitasa kapatagan.Ang lahat ng mga lugar na itoay parang mga taong umaawitat sumisigaw sa kagalakan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3