Mga Salmo64

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1O Diyos, pakinggan nʼyo ang daing ko!Ingatan nʼyo ang buhay komula sa banta ng aking mga kaaway.
2Ingatan nʼyo ako sa kasamaangpinaplano nila.3Naghahanda sila ng matatalim na salita,na gaya ng espada at palasong nakakasugat.4Nagsasalita sila ng masakit sa likodng mga taong matuwidna parang namamana nang patago.Bigla nila itong ginagawanang walang katakot-takot.
5Hinihikayat nila ang isaʼt isana gumawa ng kasamaanat pinag-uusapan nilakung saan maglalagay ng bitag.Sinasabi nila, “Walang makakakita nito.”6Nagbabalak sila ng masama at sinasabi,“Napakaganda ng plano natin!”Talagang napakatuso ng isipat puso ng tao!
7Ngunit papanain sila ng Diyosat bigla na lang silang masusugatan.8Mapapahamak siladahil sa masasama nilang salita,kukutyain silang mga makakakita sa kanila.9At lahat ng tao ay matatakot.Pag-iisipan nila ang mga ginawa ng Diyosat ipahahayag ito sa iba.
10Magagalak at manganganlong sa Panginoonang lahat ng matuwid.At magpupuri sa kanyaang mga gumagawa ng tama.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3