Mga Salmo63

Awit na isinulat ni David habang siyaʼy nasa ilang ng Juda.

1O Diyos, kayo ang aking Diyos.Hinahanap-hanap ko kayo.Nananabik ako sa inyo nangbuong pusoʼt kaluluwa,tulad ng lupang tigang sa ulan.
2Nakita ko ang presensya ninyodoon sa Templo,nasaksihan ko roon ang inyong kapangyarihanat kaluwalhatian.3Akoʼy magpupuri sa inyo,sapagkat ang inyong wagas na pag-ibigay mas mainam pa kaysa buhay.4Pasasalamatan ko kayohabang akoʼy nabubuhay.Itataas ko ang aking mga kamaysa paglapit sa inyo.5Masisiyahan ako tulad ng taong nabusogsa malinamnam na handaan.At magpupuri ako sa inyo ng awit ng kagalakan. 
6Sa aking paghimlay, kayo ang naaalala ko.Sa buong magdamag, kayo ang iniisip ko.7Dahil kayo ang tumutulong sa akin, aawit  ako,habang akoʼy nasa inyong kalinga. 8Lumapit ako sa inyo at inalalayan nʼyo akong inyong kanang kamayupang hindi ako mapahamak.
9Ngunit silang nagtatangka sa aking buhayay mapupunta sa lugar ng mga patay.10Mamamatay sila sa labananat ang kanilang mga bangkayay kakainin ng mga asong-gubat.
11Matutuwa ang hari sa ginawa ng Diyos sa kanya.Matutuwa rin ang mga nangako sa Diyos.Ngunit ang lahat ng sinungalingay patatahimikin ng Diyos!

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3