Mga Salmo62
Para kay Jedutun, ang direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.
1Sa Diyos lang ako may kapahingahan;Ang kaligtasan koʼy nagmumula sa kanya.2Siya lang ang aking batong kanlunganat kaligtasan.Siya ang aking tanggulan,kaya ligtas ako sa kapahamakan.3Kayong mga kaaway ko,hanggang kailan kayo sasalakayupang akoʼy patayin?Tulad koʼy paderna malapit nang magibaat bakod na malapit nang matumba.4Gusto lamang ninyong maalis akosa aking mataas na katungkulan.Tuwang-tuwa kayo sa pagsisinungaling.Kunwariʼy pinupuri ninyo akongunit sa puso ninyoʼy isinusumpa ako.5Sa Diyos ko lang matatamoang kapahingahandahil binibigyan niya ako ng pag-asa.6Siya lang ang aking batong kanlunganat kaligtasan.Siya ang aking tanggulankaya ligtas ako sa kapahamakan.7Nasa Diyos ang aking kaligtasanat karangalan.Siya ang matibay kong batong kanlungan.Siya ang nag-iingat sa akin.8Kayong mga mamamayan ng Diyos,magtiwala kayo sa kanyasa lahat ng oras!Sabihin sa kanya ang lahatng inyong suliranin,dahil siya ang ating kanlungan.9Ang tao, dakila man o mangmangay hindi mapagkakatiwalaan.Pareho lang silang walang kabuluhan.Magaan pa sila kaysa sa hanginkapag tinimbang.10Huwag kayong umasa sa perang nakuhasa pangingikil at pagnanakaw.Dumami man ang inyong kayamanan,huwag ninyo itong mahalin.11Hindi lang isang beses kong narinigna sinabi ng Diyos na nasa kanyaang kapangyarihan12at tapat ang kanyang pag-ibig.Tiyak na gagantimpalaan ng Panginoonang tao ayon sa kanyang mga ginawa.Biblica, Inc.