Mga Salmo61
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na sinasaliwan ng instrumentong may kuwerdas.
1O Diyos, pakinggan nʼyo ang aking panawagan.Dinggin nʼyo ang aking dalangin.2Mula sa dulo ng mundo,akoʼy tumatawag sa inyodahil nawalan na ako ng pag-asa.Dalhin ninyo ako sa lugar na ligtas sa panganib, 3dahil kayo ang aking kanlungan,tulad kayo ng isang toreng matibayna pananggalanglaban sa kaaway.4Hayaan po ninyong akoʼy manatilisa inyong Templo, magpakailanman.Kayo ang aking kanlungan,akoʼy inyong iniingatan.5Dahil napakinggan ninyo, O Diyos,ang aking mga pangakoat binigyan nʼyo ako ng mga bagayna ibinibigay nʼyo sa mga may takot sa inyo.6Pahabain nʼyo ang buhay ng hariat paghariin nʼyo siya sa mahabang panahonsa pamamagitan ng kanyang mga lahi.7Sanaʼy maghari siya magpakailanmanna kasama ninyo, O Diyos.Ingatan ninyo siyadahil sa inyong pag-ibig at katapatan.8At akoʼy palaging aawitng papuri sa inyo,at tutuparin kong lagiang aking mga pangako sa inyo.Biblica, Inc.