Mga Salmo60
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David pagkatapos ng kanyang pakikipaglaban sa mga taga-Aram Naharaim at sa mga taga-Aram-zoba at pag-uwi ni Joab mula sa pakikipaglaban at pagpatay sa 12,000 Edomita sa lambak na tinatawag na Asin. Inaawit ito sa tono ng awiting, “Liryo ng Kasunduan.”
1O Diyos, itinakwil nʼyo kamiat pinabayaang malupig.Nagalit kayo sa aminngunit ngayon sanaʼy ipakita ninyoang inyong kabutihan.2Niyanig nʼyo ang kalupaanat pinagbitak-bitak,ngunit kung maaari, ayusin nʼyo po sanadahil itoʼy parang babagsak na.3Labis-labis na hirapang ipinaranas ninyo sa aminna inyong mamamayan.Para nʼyo kaming nilasing sa alakat ngayon kamiʼy sumusuray-suray.4Ngunit para sa mga may takot sa inyo,nagtaas kayo ng bandila bilang palatandaanng aming pagtitipon sa oras ng labanan.5Iligtas nʼyo kami at tulungansa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.Pakinggan nʼyo kami,upang kaming mga minamahal nʼyoay maligtas.6O Diyos, sinabi nʼyo roon sa inyong templo,“Magtatagumpay ako! Hahatiin ko ang Shekem at ang kapatagan ng Sucotupang ipamigay sa aking mga mamamayan.7Sa akin ang Gilead at Manases,ang Efraim ay gagawin kong tanggulan at ang Juda ang aking tagapamahala. 8Ang Moab ang aking utusan at ang Edom ay sa akin din. Sisigaw ako ng tagumpaylaban sa mga Filisteo.”9Sinong magdadala sa akin sa Edomat sa bayan nito na napapalibutan ng pader?10Sino na ang makakatulong, O Diyos,ngayong itinakwil nʼyo na kami?Ni hindi na nga kayo sumasamasa aming mga kawal.11Tulungan nʼyo kami laban sa aming mga kaaway,dahil ang tulong ng taoay walang kabuluhan.12Sa tulong nʼyo, O Diyos,kamiʼy magtatagumpaysapagkat tatalunin nʼyoang aming mga kaaway.Biblica, Inc.