Mga Salmo59

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David noong nagpadala ng tao si Saul sa bahay niya upang manmanan siya at patayin. Inaawit sa tono ng awiting, “Huwag Sirain”.

1O Diyos, iligtas nʼyo ako sa aking mga kaaway.At sa mga kumakalaban sa akin, ako ay inyong ingatan.2Iligtas nʼyo ako sa masasama at sa mga mamamatay-tao.3Panginoon, tingnan nʼyo!Inaabangan nila ako upang patayin,kahit na wala akong nagawang kasalanan sa kanila.4Wala akong nagawang kasalanan,ngunit handa silang salakayin ako.Sige na po, Panginoong Diyos ng mga Hukbo,Diyos ng Israel.Tingnan nʼyo na ang nangyayari;tulungan nʼyo ako!Kumilos na kayo, at parusahan nʼyoang mga bansang hindi sumasampalataya sa inyo.Huwag nʼyong kahabaganang mga taksil na iyon.6Tuwing gabi ay pabalik-balik sa lungsod ang aking mga kaaway;para silang mga asong umaalulonghabang silaʼy naglilibot sa bayan.7Pakinggan nʼyo ang kanilang pananalita;kasinsakit ng tusok ng espada.At sinasabi pa nila,“Wala namang nakakarinig sa atin.”8Ngunit, pinagtatawanan nʼyo lang sila Panginoon.Kinukutya nʼyo ang mga taonghindi sumasampalataya sa inyo.9O Diyos ikaw ang aking kalakasan.Maghihintay ako sa inyodahil ikaw ang aking tagapagtanggol,10at Diyos na nagmamahal sa akin.Manguna ka sa akin at ipakita mo sa akinang pagbagsak ng aking mga kaaway.11Ngunit huwag nʼyo silang patayin agadupang hindi makalimutan ng aking mga kababayankung paano nʼyo pinarurusahanang inyong mga kaaway.O Panginoon na aming pananggalang,iligaw nʼyo at ibagsak ang aking mga kaawaysa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.12Silaʼy nagkakasala sa kanilang mga labisapagkat masasama ang kanilang sinasabi.Mahuli sana sila sa kanilang kayabangan,pagmumura at kasinungalingan.13Sa inyong galit, lipulin nʼyo silahanggang sa silaʼy maglaho.Sa gayoʼy malalaman ng buong mundona kayo, O Diyos, ang naghahari sa Israel.14Tuwing gabi ay pabalik-baliksa lungsod ang aking mga kaaway;para silang mga asong umaalulonghabang silaʼy naglilibot sa bayan.15Silaʼy naglilibot para humanap ng pagkainat umaalulong kapag hindi nabusog.16Ngunit ako ay aawittungkol sa inyong kapangyarihan.Tuwing umaga, akoʼy aawitnang may kagalakantungkol sa inyong pag-ibig.Sapagkat kayo ang aking kanlungansa oras ng kagipitan.17O Diyos, kayo ang aking kalakasan.Aawit ako ng mga papuri sa inyo,dahil kayo ang aking kanlunganat Diyos na sa akin ay nagmamahal.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3