Mga Salmo5

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na sinasaliwan ng plauta.

1O Panginoon, mga salita koʼy iyong dinggin;ang mga hinaing koʼy bigyang-pansin.2Aking Diyos at Hari,ang paghingi ko ng tulongay inyong dinggin,sapagkat sa inyo ako nananalangin.3Tuwing umaga, O Panginoonnaririnig ninyo ang aking panalangin.Bawat umaga, akoʼy humihilingat umaasa sa inyong kasagutan.4Kayo ay Diyosna hindi natutuwa sa kasamaan,at hindi nʼyo tinatanggapang taong namumuhay sa kasalanan.5Ang mga mapagmataasay hindi mananatili sa inyong harapan.Ang mga taong gumagawa ng kasamaanay inyong kinasusuklaman.6Pinupuksa ninyoang mga sinungaling.Kinasusuklaman ninyoang mga mamamatay-taoat ang mga mandaraya.7Ngunit dahil sa inyong wagas na pag-ibig,akoʼy makakapasoksa inyong tahanan.At bilang paggalang, akoʼy magpapatirapasa inyong banal na Templo.
8O Panginoon, akoʼy inyong gabayantungo sa inyong matuwid na daan,sapagkat napakarami ng aking kalaban.Gawin nʼyong madali kong sundanang iyong daan na nasa aking harapan.9Sapagkat ang bibig ng aking mga kaawayay hindi mapagkakatiwalaan,ang puso nilaʼy puno ng kapahamakan.Katulad ng bukas na libinganang kanilang lalamunan;Pawang salitang mapanlinlangang kanilang binibitawan.10O Diyos, panagutin nʼyo po sila.Nawaʼy ipahamak silang sarili nilang mga plano.Itakwil ninyo siladahil sa dami ng kanilang pagkakasala,sapagkat kayoʼy sinusuway nila.11Ngunit magalak nawaang lahat ng nanganganlong sa inyo;magsiawit nawa silanang may kagalakan.Ingatan nʼyo silana nagmamahal sa inyo,upang silaʼy mapuno ng kagalakan.12Pinagpapala nʼyo Panginoonang mga matuwid.Ang pag-ibig nʼyo ay parang kalasagna nag-iingat sa kanila.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3