Mga Salmo58

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na inaawit sa tono ng awiting, “Huwag Sirain”.

1Kayong mga pinuno, matuwid baang paghatol ninyo sa mga tao?2Hindi! Dahil paggawa ng masamaang laging iniisip ninyoat namiminsala kayo sa ibasaanman kayo naroroon.3Ang masasama ay lumalayo sa Diyosat mula nang isilang ay nagsisinungaling na.4Para silang mga ahas na makamandag.Parang kobrang tinakpan ang tainga,5hindi nakikinig sa tinig ng mahuhusayna tagapagpaamo niya.
6O Panginoong Diyos, basagin nʼyo po ang kanilang mga ngipinna parang pangil ng mga leon!7Mawala sana silang tulad ng tubig na natutuyoat gawin mo ring walang silbiang kanilang mga palaso.8Maging tulad sana sila ng kuholna parang natutunaw habang gumagapang,o ng sanggol na patay nang ipinanganak,na hindi pa nakakita ng liwanag.
9Mabilis silang tatangayin ng Diyos,maging ang mga nabubuhay pa,mabilis pa sa pag-init ng palayok na inaapuyan ng malakas.10Magagalak ang mga matuwidkapag nakita na nilang pinaghigantihanng Diyos ang masasama,at dumanak na ang kanilang dugo. 11At sasabihin ng mga tao, “Tunay ngangmay gantimpala ang matutuwidat mayroong Diyos na humahatol sa mundo.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3