Mga Salmo57
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David noong tinakasan niya si Saul at siyaʼy nagtago sa kuweba. Inaawit sa tono ng awiting, “Huwag Sirain.”
1Kahabagan ninyo ako, O Diyos,mahabag kayo sa akin.Sapagkat sa inyo ako kumukubli.Akoʼy kukubli sa ilalim ng inyong mga pakpak,hanggang sa ang panganib ay lumipas.2Sa Kataas-taasang Diyos akoʼy tumatawag,sa kanya na nagsasagawa ng layunin sa aking buhay.3Mula sa langit akoʼy kanyang tutulungan at ililigtas.Inilalagay nʼya sa kahihiyanang mga kaaway ko.Ipapakita nʼya ang kanyang pag-ibig at katapatan.4Napapaligiran ako ng mga kaaway,parang mga leong handang lumapa ng tao.Ang mga ngipin nilaʼy parang sibat at pana,mga dilaʼy kasintalim ng espada.5O Diyos, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan sa kalangitanat ang inyong kaluwalhatian sa buong mundo.6Nabagabag ako dahil naglagay ng bitagang aking mga kaaway.Naghukay rin sila sa aking dadaanan,ngunit sila rin ang nahulog dito.7O Diyos, lubos akong nagtitiwala sa inyo.Aawit ako ng mga papuri para sa inyo.8Gigising ako ng maagaat ihahanda ko ang aking sariliat ang aking instrumentong may mga kuwerdasupang magpuri sa inyo.9Panginoon, pupurihin ko kayo sa gitna ng mga mamamayan.At sa gitna ng mga bansa, ikaw ay aking aawitan.10Dahil ang pag-ibig nʼyo at katapatanay hindi mapantayanat lampas pa sa kalangitan.11O Diyos, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihansa buong kalangitan at sa buong mundo.Biblica, Inc.