Mga Salmo56
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David tungkol pagdakip sa kanya ng mga Filisteo sa Gat. Inaawit ito sa tono ng awiting, “Ang Kalapati sa Terebinto na nasa Malayong Lugar.”
1O Diyos, maawa kayo sa akinsapagkat sinasalakay ako ng aking mga kaaway.Palagi nila akong pinahihirapan.2Kinukutya nila ako at laging sinasalakay.Sa kanilang pagmamataas,akoʼy kanilang kinakalaban.3Kapag akoʼy natatakot, sa inyo ako magtitiwala.4O Diyos, pinupuri ko kayo dahil sa inyong pangako.Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo.Ano baʼng magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!5Binabaluktot lagi ng aking mga kaawayang mga sinasabi ko.Lagi silang nagpaplano na saktan ako.6Nagsasama-sama sila at nagsisipagtago,binabantayan nila ang lahat ng kilos koat naghihintay ng pagkakataonupang patayin ako.7Huwag nʼyo silang hayaang matakasanang parusa ng kanilang kasamaan.Ibagsak ninyo ang mga bansasa inyong matinding galit, O Diyos.8Nalalaman nʼyo ang aking kalungkutanat napapansin nʼyo ang akingmga pag-iyak.Hindi baʼt inilista nʼyo ito sa inyong aklat?9Kapag tumawag ako sa inyo, O Diyos,magsisitakas ang aking mga kaaway.Alam ko ito dahil ikaway aking kakampi.10Panginoong Diyos, pinupuri ko kayodahil sa inyong mga salita at pangako.11Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo.Ano baʼng magagawa ng isanghamak na tao sa akin? Wala!12Tutuparin ko, O Diyos,ang mga pangako ko sa inyo.Maghahandog ako ng alaybilang pasasalamat sa inyo.13Dahil iniligtas nʼyo ako sa kamatayanat hindi nʼyo ako pinabayaang madapa.Para mamuhay akong kasama kayo, O Diyos,sa inyong liwanag na nagbibigay-buhay.Biblica, Inc.