Mga Salmo55

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Isang maskil ni David na sinasaliwan ng mga instrumentong may kuwerdas.

1O Diyos, dinggin nʼyoang aking dalangin.Ang paghingi ko ng tulongay bigyan nʼyo ng pansin.2Pakinggan nʼyo ako at sagutin,naguguluhan ako sa akingmga suliranin.3Nag-aalala na ako sa pananakotat pang-aapi ng aking mga kaaway.Sapagkat galit na galit sila,ginugulo nila ako at pinagbabantaan.4Kumakabog ang dibdib kosa takot na akoʼy mamatay.5Nanginginig ako sa labis na takot;nilalamon ako ng sindak.6At nasabi ko ito:“Kung may pakpak lang akotulad ng kalapati,lilipad ako at maghahanapng mapagpapahingahan.7Lilipad ako ng malayoat doon mananahan sa ilang.8Maghahanap agad akong mapagtataguanupang makaiwas sa galitng aking mga kaawayna tulad malakas na hangin o bagyo.”
9Panginoon, lituhin nʼyoang aking mga kaawayat guluhin nʼyo ang kanilangmga pag-uusap.Dahil nakita ko ang karahasanat kaguluhan sa lungsod.10Araw-gabi itong nangyayari. Ang lungsod ay puno ng kasamaanat kaguluhan.11Laganap ang kasamaanat walang tigil ang pang-aapiat pandaraya sa mga lansangan.12Matitiis ko kung ang kaaway koang kumukutya sa akin.Kung ang isang taong galit sa akinang magmamalaki sa akin,maiiwasan ko siya.13Ngunit mismong kagaya ko,kasama ko at kaibigan koang sa akin ay nang-iinsulto.14Dati, malapít kami sa isaʼt isa,at magkasama pa kamingpumupunta sa bahay ng Diyos.15Sanaʼy mamatay na lang biglaang aking mga kaaway.Sanaʼy malibing silang buhaysa lugar ng mga patay.Sapagkat kasamaanang nasa puso nilaat sa kanilang mga tahanan.16Ngunit ako ay humihingi ng tulongsa Panginoong Diyos,at inililigtas niya ako.17Umaga, tanghali at gabi,dumadaing ako at nananaghoy,at akoʼy pinapakinggan niya.18Inililigtas niya ako at iniingatansa aking pakikipaglaban,kahit napakarami ng akingmga kalaban.19Pakikinggan ako ng Diyosna naghahari magpakailanman,at ibabagsak niya ang aking mga kaaway.Dahil ang aking mga kaawayay hindi nagbabago at walang takot sa Diyos.20Kinalaban ng dati kong kaibiganang kanyang mga kaibigan;at hindi niya tinupad ang kanyangmga pangako.21Malumanay at mahusaynga siyang magsalita,ngunit puno naman ng pootang kanyang puso,at ang kanyang pananalitaay nakakasugattulad ng matalim na espada.22Ibigay mo sa Panginoonang iyong mga alalahaninat ikaw ay kanyang kakalingain.Hindi niya pababayaanang mga matuwid, magpakailanman.23Ngunit itatapon niyaang mga mamamatay-taoat ang mga mandarayasa napakalalim na hukaybago mangalahati ang kanilang buhay.Ngunit ako, akoʼy magtitiwala sa kanya.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3