Mga Salmo54

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Isang maskil ni David na sinasaliwan ng instrumentong may kuwerdas. Isinulat ito ni David pagkatapos isumbong ng mga taga-Zif kay Saul na nagtatago siya sa kanilang lugar.

1O Diyos, iligtas nʼyo akosa pamamagitan ng inyong kapangyarihanat patunayan nʼyong wala akong kasalanan.2O Diyos, ang panalangin koʼy dinggin.Pakinggan nʼyo po ang kahilingan ko.3Sapagkat sinasalakay akong mga dayuhanupang akoʼy patayin.Malulupit sila at hindi kumikilala sa inyo.4Kayo, O Diyos ang tumutulong sa akin.Kayo, Panginoon ang aking maaasahan.5Ibalik nʼyo sana sa aking mga kaawayang kanilang kasamaan.O Diyos, sa inyong pagkamatapat,lipulin nʼyo sila.
6Kusang-loob akong maghahandogsa inyo Panginoon.Pupurihin ko ang pangalan nʼyodahil napakabuti ninyo.7Iniligtas nʼyo akosa lahat ng paghihirap,at nakita kong nataloang aking mga kaaway.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3