Mga Salmo53
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Isa itong maskil ni David ayon sa mahalat .
1“Walang Diyos!”Iyan ang sinasabi ng mga hangalsa kanilang sarili.Masasama sila at kasuklam-suklamang kanilang mga gawa.Ni isa ay walang gumagawa ng mabuti.2Mula sa langit, tinitingnan ng Diyosang lahat ng tao,kung may nakakaunawa ng katotohananat naghahanap sa kanya.3Ngunit ang lahat ay naligaw ng landasat pare-parehong nabulok ang pagkatao.Wala kahit isa man ang gumagawa ng mabuti.4Kailan kaya matututoang masasamang tao?Sinasamantala nilaang aking mga kababayanpara sa kanilang pansariling kapakanan.At hindi sila nananalangin sa Diyos.5Ngunit manginginig sila sa takot,kahit sa mga bagay na hindi dapat katakutan.Sapagkat ikakalat ng Diyosang mga buto ng mga sumasalakay sa inyo.Malalagay sila sa kahihiyan,dahil itinakwil sila ng Panginoon.6Sanaʼy dumating na ang Tagapagligtasng Israel mula sa Zion!Magsasaya ang mga Israelita,ang mga mamamayan ng Diyos,kapag naibalik na niyaang kanilang kasaganaan.Biblica, Inc.