Mga Salmo52

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Isa itong maskil ni David Isinulat niya ito pagkatapos pumunta ni Doeg na taga-Edom kay Saul para sabihin na si David ay pumunta sa bahay ni Ahimelec.

1Ikaw na taong matapang,bakit mo ipinagyayabangang iyong kasamaan?Hindi baʼt ang Diyosay palaging mabuti sa iyo?2Sa pagbabalak mo ng masama laban sa iba,kasintalim ng pang-ahit ang iyong dila,at lagi kang nagsisinungaling.3Minamahal mo ang kasamaankaysa sa kabutihan,at mas nais mong magsinungalingkaysa magsabi ng katotohanan.4Taong sinungaling,ang gusto moʼy makapanakit ng ibasa pamamagitan ng iyong pananalita.5Ngunit dudurugin ka ng Diyos nang tuluyan.Dadakpin ka at kakaladkarin palabas ng bahay;bubunutin ka mula rito sa mundo ng mga buháy.6Makikita ito ng mga matuwidat magtataka sila.Pagtatawanan ka nila at sasabihing,7“Tingnan ninyo ang taonghindi nanalig sa Diyosbilang matibay niyang kanlungan.Sa halip, nagtiwala langsa kanyang masaganang kayamanan,at patindi nang patindiang kanyang kasamaan.”
8Ngunit akoʼy tulad ng punong olibona yumayabong sa loobng bahay ng Diyos.Nagtitiwala ako sa kanyang pag-ibig, magpakailanman.9Pasasalamatan ko kayo magpakailanmandahil sa mga ginawa ninyo.At sa harapan ng mga matatapat sa inyo,ipapahayag ko ang kabutihan ninyo.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3