Mga Salmo51
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David noong siyaʼy pinagsabihan ni Propeta Natan tungkol sa kanyang pangangalunya kay Batsheba.
1O Diyos, ako poʼy inyong kaawaansang-ayon sa inyong tapatna pagmamahal;Ang mga pagsuway koʼyinyo pong pawiinsang-ayon sa inyongpagmamalasakit sa akin.2Hugasan nʼyo po akosa aking kasamaan,at linisin nang lubossa aking kasalanan.3Mga pagsuway koʼytunay kong nalalaman,pagkakasala koʼylaging laman ng isipan.4Tanging sa inyo lamang akotunay na nagkasala.Di kalugod-lugod sa inyong harapanang aking ginawa.Kaya ang inyong paghuhusgasa akin ay makatarungan.Nararapat lamangna akoʼy inyong hatulan.5Tunay ngang akoʼy makasalanan,mula pa noong akoʼy isilang;kahit noong akoʼy ipinagbubuntispa lamang ng aking ina.6Ngunit ang nais nʼyoyisang pusong tapatkahit noong akoʼy nasa sinapupunan pa lamang;pinuspos nʼyo akong karunungan.7Linisin at hugasan nʼyo akosa aking mga kasalananupang lubusan luminis ang pusoʼt kaluluwa ko.8Ipadama nʼyo sa akin ang kasiyahanat kaligayahanupang sa aba kong kalagayan,ay muli kong makamtan ang kagalakan.9Kalimutan nʼyo na ang akingmga kasalanan,at burahin ang lahat kong kasamaan.10Isang busilak na puso, O Diyos,ang likhain nʼyo sa akin;bagong espiritung matapat,ang ibigay sa akin.11Huwag nʼyo po akong itaboypalayo sa inyong piling,at huwag nʼyo po sanang bawiinang inyong Banal na Espiritu sa akin.12Panumbalikin sa akinang kagalakangbunga ng inyong pagliligtas sa akin.Bigyan nawa akong espiritung masunurin.13At tuturuan koang mga makasalananng inyong mga pamamaraanupang sa inyo, silaʼy manumbalik.14Patawarin nʼyo ako sa kasalanan kong pagpatay, O Diyos na aking Tagapagligtas,at sisigaw ako sa galakdahil kayo ay matuwid.15Panginoon, buksan nʼyo poang aking labi,nang ang mga itoʼy magpuri sa inyo.16Hindi naman mga handogang nais nʼyo;mag-alay man akong mga handog na sinusunog,hindi rin kayo malulugod.17Ang handog ko sa inyo, O Diyos,ay isang pusong nagpapakumbaba,at nagsisisi sa kanyang kasalanan.O Diyos, ito ang handogna hindi ninyo tatanggihan.18Dahil sa kagustuhan nʼyo,pagpalain nʼyo ang Jerusalem. Muli nʼyong itayo ang mga pader nito.19Nang sa gayoʼy malugod kayosa mga nararapat na handog,pati sa mga handog na sinusunog nang buo.At maghahandog din sila ng mga bakasa inyong altar.Biblica, Inc.