Mga Salmo47
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ng mga anak ni Kora.
1Kayong mga tao sa bawat bansa,magpalakpakan kayo!Sumigaw sa Diyos nang may kagalakan.2Ang Panginoon, ang Kataas-taasang Diyos at kagalang-galang.Siya ang dakilang Hari sa buong sanlibutan.3Ipinasakop niya sa amingmga Israelita ang lahat ng bansa.4Pinili niya para sa amin ang lupangipinangako bilang aming mana.Itoʼy ipinagmamalaki ni Jacobna kanyang minamahal.5Umupo sa kanyang trono ang Panginoon na ating Diyos,habang ang mga taoʼy nagsisigawanat ang mga trumpetaʼy tumutunog.6Awitan ninyo ang Diyosng mga papuring awit.Awitan ninyo ang ating haring mga papuring awit.7Dahil ang Diyos ang siyang Harisa buong mundo.Umawit kayo sa kanya ng mga awitng pagpupuri.8Ang Diyos ay nakaupo sa kanyang tronoat naghahari sa mga bansa.9Nagtitipon ang mga hari ng mga bansa,kasama ang mga mamamayanng Diyos ni Abraham.Ang mga pinuno sa mundo ay sa Diyos,at mataas ang paggalang nila sa kanya.Biblica, Inc.