Mga Salmo46

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ng mga anak ni Kora. Inaawit ito ng soprano.

1Ang Diyos ang ating kanlunganat kalakasan.Siyaʼy laging nakahandang sumaklolosa oras ng kagipitan.2Kaya huwag tayong matatakotkahit lumindol man,at gumuho ang mga bundokat bumagsak sa karagatan.3Humampas man at umugongang mga alon na naglalakihan,at mayanig ang kabundukan.
4May ilog na nagbibigay ng kagalakansa bayan ng Diyos,sa banal na tahanan ng Kataas-taasang Diyos.5Ang Diyos ay nakatira sa lungsod na itokaya hindi ito magigiba.Itoʼy kanyang ipagtatanggol sa kinaumagahan.6Nagkakagulo ang mga bansa;bumabagsak ang mga kaharian.Sa sigaw ng Diyos, ang mga taoay parang matutunaw sa takot.7Ang Panginoon ng mga Hukboay kasama natin.Ang Diyos ni Jacobang kanlungan natin.
8Halika, tingnan mo ang mga kahanga-hangang bagayna ginagawa ng Panginoon sa mundo.9Kanyang pinatitigil ang mga digmaansa lahat ng sulok ng mundo.Binabali niya ang mga sibat,pinuputol ang mga pana,at sinusunog ang mga kalasag.10Sinasabi niya,“Tumigil kayo  at kilalanin ninyo na ako ang Diyos.Akoʼy pararangalan sa mga bansa.Akoʼy papupurihan sa buong mundo.”
11Kasama natin ang Panginoon ng mga Hukbo.Ang Diyos ni Jacob ang ating kanlungan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3