Mga Salmo48
Awit na isinulat ng mga anak ni Kora.
1Dakila ang Panginoon na ating Diyos,at karapat-dapat na papurihansa kanyang bayan,ang kanyang banal na bundok.2Itoʼy mataas at maganda,at nagbibigay kagalakan sa buong mundo.Ang banal na bundok ng Zionay ang bayan ng Makapangyarihang Hari.3Ang Diyos ay nasa mga muog ng Jerusalem,at ipinakita niyang siya ang Tagapagligtasng mga taga-Jerusalem.4Nagtipon-tipon ang mga hariupang sumalakay sa Jerusalem.5Ngunit noong nakita ng mga hari ang bayan,nagulat, natakot at nagsitakas sila.6Dahil sa takot, nanginig silagaya ng babaeng nanganganak na namimilipit sa sakit.7Winasak sila ng Diyostulad ng mga barkong panglayag na sinisira ng hanging amihan.8Noon, nabalitaan natin ang ginawa ng ating Diyos,pero ngayon, tayo mismo ang nakakitasa ginawa niya sa kanyang bayan.Siya ang Panginoon ng Hukbo,at patatatagin niya ang kanyang bayan magpakailanman.9Sa loob ng inyong Templo, O Diyos,iniisip namin ang pag-ibig nʼyong matapat.10O Diyos, dakila ang pangalan nʼyo,at pinupuri kayo ng mga tao sa buong mundo.Ang kapangyarihan nʼyoay laging makatarungan.11Nagagalak ang mga mamamayan ng Zion, at ng mga bayan ng Juda,dahil sa inyong makatarungang paghatol.12Mga mamamayan ng Diyos,libutin ninyo ang Zionat bilangin ninyo ang mga tore nito.13Tingnan ninyong mabuti ang mga paderat ang mga tanggulan ng bayan na ito,upang masabi ninyo sa susunod na salinlahi,14“Siya ang Diyos,ang Diyos natin magpakailanman.Siya ang gagabay sa atinhabambuhay.”Biblica, Inc.