Mga Salmo45
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Ang tono nitoʼy katulad ng tono ng awiting “Mga Liryo” na Katha ng mga anak ni Kora. Isa itong maskil. Itoʼy awit sa kasal.
1Punong-puno ng magagandang salitaang aking pusohabang akoʼy bumibigkas ng mga tulapara sa hari.Ang aking kakayahan sa pagsasalitaay katulad ng kakayahan ng isang magaling na makata.2Mahal na Hari, kayo ang pinakamagandang lalaki sa lahat.At ang mga salita nʼyo ay nakabubuti sa iba.Kaya lagi kayong pinagpapala ng Diyos.3Marangal na hari na dakilang mandirigma!Isukbit nʼyo sa inyong tagiliran ang inyong espada.4Ipahayag na ang inyong kadakilaan!Maging matagumpay kayo na may katotohanan,kapakumbabaan at katuwiran.Gumawa kayo ng mga kahanga-hangang bagaysa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.5Patamaan nʼyo ng matatalim nʼyong palasoang puso ng inyong mga kaaway.Babagsak ang mga bansasa inyong paanan.6O Diyos, ang inyong kaharian ay magpakailanmanat ang inyong paghahari ay makatarungan.7Kinalulugdan ninyo ang gumagawa ng matuwidat kinamumuhian ninyo ang gumagawa ng masama.Kaya pinili ka ng Diyos, na iyong Diyos,at binigyan ng kagalakang higit sa ibinigay niyasa mga kasama mo.8Ang mga damit nʼyo ay pinabanguhanng mira, aloe at kasia.Sa inyong palasyo na nakakasilaw sa ganda, nililibang kayo ng mga tugtugin ng alpa.9Ang ilan sa inyong mga kagalang-galang na babaeay mga prinsesa.At sa inyong kanan ay nakatayo ang reynana nakasuot ng mga alahasna purong ginto mula sa Ofir.10O kasintahan ng hari, pakinggan mo ang sasabihin ko:Kalimutan mo ang iyong mga kamag-anakat mga kababayan.11Nabihag mo ang hari ng iyong kagandahan.Siyaʼy iyong amo na dapat igalang.12Ang mga taga-Tiro ay magdadala sa iyo ng kaloob;pati ang mga mayayamanay hihingi ng pabor sa iyo.13Nagniningning ang kagandahan ng prinsesasa loob ng kanyang silid.Ang kanyang suot na trahe de bodaay may mga burdang ginto.14Sa ganitong kasuotan ay dadalhin siya sa hari,kasama ng mga dalagang abay.15Lahat silaʼy nagagalak at nananabikhabang pumapasok sa palasyo ng hari.16Mahal na Hari, ang inyong mga anak na lalakiay magiging hari rin, katulad ng kanilang mga ninuno.Gagawin nʼyo silang mga pinunosa buong daigdig.17Ipapaalala kita sa lahat ng salinlahi.Kaya pupurihin ka ng mga tao magpakailanman.Biblica, Inc.