Mga Salmo44

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Isang maskil ng mga anak ni Kora.

1O Diyos, narinig namin mula sa aming mga ninunoang tungkol sa mga ginawa nʼyosa kanila noong kanilang kapanahunan.Matagal nang panahon ang lumipas.2Ang mga bansang hindi naniniwala sa inyoay pinalayas nʼyo sa kanilang mga lupain at pinarusahan.Samantalang ang aming mga ninunoay itinanim nʼyo roon at pinalago.3Nasakop nila ang lupain,hindi dahil sa kanilang mga armas.Nagtagumpay sila hindi dahil sa kanilang lakas,kundi sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan,pagpapala at kakayahan,dahil mahal nʼyo sila.
4O Diyos, kayo ang aking Harina nagbigay ng tagumpaysa amin na lahi ni Jacob.5Sa pamamagitan ninyoʼy pinatumbaʼttinapak-tapakan namin ang aming mga kaaway.6Hindi ako nagtitiwala sa aking espada at panaupang akoʼy magtagumpay,7dahil kayo ang nagbibigay ng tagumpay sa amin.Hinihiya nʼyo ang mga kumakalaban sa amin.8O Diyos, kayo ang lagi naming ipinagmamalaki,at pupurihin namin kayo magpakailanman.
9Ngunit ngayoʼy itinakwil nʼyo na kamiat inilagay sa kahihiyan.Ang mga sundalo naminay hindi nʼyo na sinasamahan.10Pinaatras nʼyo kamisa aming mga kaaway,at ang aming mga ari-arianay kanilang sinamsam.11Pinabayaan nʼyong kamiay lapain na parang mga tupa.Pinangalat nʼyo kami sa mga bansa.12Kami na inyong mga mamamayanay ipinagbili nʼyo sa kaunting halaga.Parang wala kaming kuwenta sa inyo.13Ginawa nʼyo kaming kahiya-hiya;iniinsulto at pinagtatawanan kaming aming mga kalapit na bansa.14Ginawa nʼyo kaming katawa-tawa sa mga bansa,at pailing-iling pa sila habang nang-iinsulto.15Akoʼy palaging inilalagay sa kahihiyan.Wala na akong mukhang maihaharap pa,16dahil sa pangungutya at pang-iinsultong aking mga kaaway na gumaganti sa akin.
17Ang lahat ng ito ay nangyari sa aminkahit na kami ay hindi nakalimot sa inyo,o lumabag man sa inyong kasunduan.18Hindi kami tumalikod sa inyo,at hindi kami lumihis sa inyong pamamaraan.19Ngunit kami ay inilugmok nʼyoat pinabayaan sa dakong madilimna tinitirhan ng mga asong-gubat.20O Diyos, kung kayo ay nakalimutan namin,at sa ibang diyos kami ay nanalangin,21hindi baʼt iyon ay malalaman nʼyo rin?Dahil alam nʼyo kahit ang mga lihimsa isip ng tao.22Ngunit dahil sa aming pananampalataya sa inyo,palaging nasa panganib ang aming buhay.Para kaming mga tupang kakatayin.
23Sige na po, Panginoon! Kumilos na kayo!Huwag nʼyo kaming itakwil magpakailanman.24Bakit nʼyo kami binabalewala?Bakit hindi nʼyo pinapansin ang aming pagdurusaat ang pang-aapi sa amin?25Nagsibagsak na kami sa lupaat hindi na makabangon.26Sige na po, tulungan nʼyo na kami.Iligtas nʼyo na kamidahil sa inyong pagmamahal sa amin.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3