Mga Salmo43
1O Diyos, patunayan po ninyongakoʼy walang kasalanan,at akoʼy inyong ipagtanggolsa mga hindi matuwid.Iligtas nʼyo ako sa mga mandarayaat sa mga masasama.2Kayo ang Diyos ang aking tanggulan,bakit nʼyo ako itinakwil?Bakit kailangan pang magdusa akosa pang-aapi ng aking mga kaaway?3Paliwanagan nʼyo ako at turuanng inyong katotohanan,upang akoʼy magabayan pabaliksa inyong Templo sa banal na bundok.4Nang sa gayoʼy makalapit akosa inyong altar, O Diyos,na nagbibigay galak sa akin.At sa pamamagitan ng pagtugtog ng alpaay pupurihin ko kayo, O aking Diyos.5Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag?Dapat magtiwala ako sa inyo.Pupurihin ko kayong muli,aking Diyos at Tagapagligtas!
Biblica, Inc.