Mga Salmo42
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Isang maskil ng mga anak ni Kora.
1Tulad ng usang sa tubig ng ilogay nasasabik,O Diyos, ako sa inyoʼy nananabik.2Akoʼy nauuhaw sa inyo, Diyos na buháy.Kailan pa kaya ako makakatayosa presensya nʼyo?3Araw-gabiʼy luha ko lang ang aking pagkain,habang sinasabi sa akinng aking mga kaaway,“Nasaan na ang Diyos mo?”4Sumasama ang loob ko kapag naaalala kona dati ay pinangungunahan koang maraming taona pumupunta sa bahay ng Diyos.At kami ay nagdiriwang,sumisigaw sa kagalakanat nagpapasalamat sa inyo.5Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag?Dapat magtiwala ako sa inyo.Pupurihin ko kayong muli,aking Diyos at Tagapagligtas!6Nanghihina ang loob ko.Akoʼy parang tinabunan nʼyo ng malalaking alon,na umuugong na parang tubig sa talon.Kaya dito ko muna kayo inaalalasa paligid ng Ilog Jordan at Hermon,sa Bundok ng Mizar.8Sa araw, Panginoon, ipinapakita nʼyoang inyong pag-ibig.Kaya sa gabi, umaawit akong aking dalangin sa inyo,O Diyos na nagbigay ng buhay ko.9O Diyos, na aking batong kanlungan,akoʼy nagtatanong,“Bakit nʼyo ako kinalimutan?Bakit kinakailangan pang magdusa akosa pang-aapi ng aking mga kaaway?”10Para bang tumatagos nasa aking mga butoang pang-iinsulto ng aking mga kaaway.Patuloy nilang sinasabi,“Nasaan na ang Diyos mo?”11Bakit nga ba ako nalulungkotat nababagabag?Dapat magtiwala ako sa inyo.Pupurihin ko kayong muli,aking Diyos at Tagapagligtas!Biblica, Inc.