Mga Salmo37
Awit na isinulat ni David.
1Huwag kang mabahaladahil sa mga gumagawa ng masasama,o mainggit sa mga gumagawa ng mali.2Dahil tulad ng damo,silaʼy madaling matutuyo,at tulad ng sariwang halaman,silaʼy malalanta.3Magtiwala ka sa Panginoonat gumawa ng mabuti.Sa gayon ay mananahan kanang ligtas sa lupaing ito.4Sa Panginoon mo hanapin ang kaligayahan,at ibibigay niya sa iyo ang ninanais mo.5Ipagkatiwala mo sa Panginoonang lahat ng iyong ginagawa;magtiwala ka sa kanyaat tutulungan ka niya.6Ihahayag niya nang malinawna ikaw ay matuwid at makatarungan,kasinliwanag ng sinag ng arawsa katanghaliang tapat.7Pumanatag ka sa piling ng Panginoon,at matiyagang maghintay sa gagawin niya.Huwag mong kaiinggitan ang masasamana gumiginhawa,kahit pa magtagumpayang masasamang plano nila.8Huwag kang magagalit,pigilan mo ang iyong poot.Ni huwag kang mababalisa,dahil ito sa iyo ay makakasama.9Ang masama ay ipagtatabuyan,ngunit ang nagtitiwala sa Panginoonay mananatili sa lupaing ito.10Hindi magtatagal at mawawala ang masasama.At kahit hanapin mo man silaay hindi mo na makikita.11Ngunit ang mga mapagpakumbabaay patuloy na mananahan sa lupain ng Israelnang mapayapa at masagana.12Ang mga masama ay nagpaplanong hindi mabuti laban sa mga matuwid,at galit na galit sila.13Ngunit tinatawanan lamang ng Panginoonang mga masama,dahil alam niyang malapit naang oras ng paghahatol.14Binunot na ng masasamaang kanilang mga espada,at nakaumang na ang kanilang mga panaupang patayin ang mga dukhana namumuhay nang matuwid.15Ngunit sila rin ang masasaksakng kanilang sariling espadaat mababali ang kanilang mga pana.16Ang kaunting tinatangkilik ng matuwiday mas mabutikaysa sa kayamanan ng masama.17Dahil tutulungan ng Panginoonang matuwid,ngunit mawawalan ng kakayahanang taong masama.18Araw-araw, inaalagaan ng Panginoonang mga taong matuwid.At tatanggap sila ng gantimpalangpangwalang hanggan.19Sa panahon ng kahirapanhindi sila malalagay sa kahihiyan.Kahit na taggutom,magkakaroon pa rin sila ng kasaganaan.20Ngunit ang mga taong masamaay mamamatay.Ang mga kaaway ng Panginoonay tulad ng bulaklak sa parang,Silaʼy maglalaho na gaya ng usok.21Ang taong masama ay nangungutangpero hindi nagbabayad,ngunit ang taong matuwiday naaawa at nagbibigay ng sagana.22Ang mga pinagpapala ng Panginoonay patuloy na mananahan sa lupain ng Israel.Ngunit silang mga isinumpa niya ay palalayasin.23Ginagabayan ng Panginoonang bawat hakbang ng taong matuwidna ang buhay ay nakakalugod sa kanya.24Matisod man siyaʼy hindi siya mabubuwal,dahil hinahawakan siya ng Panginoon.25Akoʼy naging bata at ngayoʼy matanda na,ngunit hindi ko pa nakita kahit kailanna ang matuwid ay pinabayaan ng Panginoono ang kanyang mga anakay namalimos ng pagkain.26Ang matuwid ay palaging nagbibigayat nagpapahiram,at ang kanilang mga anakay nagiging pagpapala sa iba.27Iwasan ang masama at gawin ang mabuti;nang sa gayon ay manahan kasa lupain magpakailanman.28Dahil ang nais ng Panginoon ay katarungan,at ang mga taong tapat sa kanyaay hindi niya pinapabayaan.Silaʼy iingatan niya magpakailanman.Ngunit ang lahi ng mga taong masamaay mawawala.29Ang mga matuwid ay mananahan magpakailanmansa lupain ng Israel na sa kanilaʼy ipinamana.30Ang taong matuwid ay nagsasalita ng tama, at may karunungan.31Ang Kautusan ng Diyosay iniingatan niya sa kanyang puso,at hindi niya ito sinusuway.32Ang mga taong masamaʼy laging nagbabantaypara salakayin at patayinang taong may matuwid na pamumuhay.33Ngunit hindi pababayaan ng Panginoonang taong matuwidsa kamay ng kanyang mga kaaway,o parurusahan man kapag siyaʼy hinatulan.34Magtiwala ka sa Panginoonat sundin mo ang kanyang pamamaraan.Pararangalan ka niyasa pamamagitan ng pagpapatira saʼyosa lupain ng Israel,at masasaksihan mo ang pagpaparusa niyasa mga taong masama.35Nakita ko ang masamang taona nang-aapi.Gusto niyang kilalanin siyang mataas kaysa sa iba,katulad ng mataas na punongkahoy ng Lebanon.36Nang siyaʼy aking balikan,siyaʼy wala na;hinanap ko siya ngunit hindi ko na nakitadahil siyaʼy patay na.37Tingnan mo ang taong totoo at matuwid.May magandang kinabukasanat tahimik na pamumuhay.38Ngunit lilipulin ang lahat ng mapaghimagsik,at ang kinabukasan nila ay mawawala.39Ang kaligtasan ng mga matuwiday mula sa Panginoon.Siya ang tanggulan nilasa panahon ng kaguluhan.40Tinutulungan sila ng Panginoonat inililigtas sa mga taong masama,dahil silaʼy humihingi ng kanyang kalinga.Biblica, Inc.