Mga Salmo38
Awit na isinulat ni David kung saan ay hiniling niya sa Diyos na siyaʼy alalahanin.
1Panginoon, sa inyong galit,huwag nʼyo akong patuloy na parusahan.2Ang inyong palaso ay tumagos sa akinat ang inyong kamao ay bumaon sa akin.3Dahil sa galit nʼyo sa akin,nanlulupaypay ang aking katawan.Sumasakit ang buong katawan kodahil sa aking mga kasalanan.4Parang nalulunod na akosa nag-uumapaw kong kasalanan.Itoʼy isang pasaninna hindi ko na makayanan.5Dahil sa aking kamangmanganang aking mga sugatay namamaga at nangangamoy.6Akoʼy namimilipit sa sobrang sakitat lubos ang kalungkutan ko buong araw.7Sumasakit ang buo kong katawan,at bumagsak na rin ang aking kalusugan.8Akoʼy pagod na at nanghihina pa,at dumadaing din akodahil sa sobrang bigat ng aking kalooban.9Panginoon, alam nʼyo ang lahat kong hinahangad,at naririnig nʼyo ang lahat kong mga daing.10Kumakabog ang aking dibdibat akoʼy nanghihina;pati ang ningning ng aking mga mataay tuluyan nang nawala.11Dahil sa aking karamdaman,akoʼy iniwasan ng aking mga kaibigan, kasamahan,at maging ng aking mga kamag-anak.12Ang mga tao na gustong pumatay sa akinay naglalagay ng bitag upang akoʼy hulihin.Ang mga gustong manakit sa akinay nag-uusap na akoʼy ipahamak.Buong araw silang nagpaplano ng kataksilan.13Ngunit para akong pipi at bingina hindi nakaririnigat hindi nakapagsasalita.14Nagbibingi-bingihan akoat hindi sumasagot sa kanila.15Sapagkat naghihintay pa rin akosa inyo, Panginoon.Batid kong sasagutin nʼyo ako,Panginoon kong Diyos.16Kayaʼt hinihiling ko sa inyo:“Huwag nʼyong hayaang matuwaang aking mga kaawayo kayaʼy magmalaki silakapag akoʼy natumba.”17Akoʼy parang babagsak nasa walang tigil na paghihirap.18Inaamin ko ang aking mga kasalanan;Binabagabag ako ng mga ito.19Tungkol naman sa aking mga kaaway,napakarami at napakalakas nila.Kinamumuhian nila akonang walang dahilan.20Sa mabuti kong ginawa,sinusuklian nila ako ng masama.At kinakalaban nila akodahil nagsisikap akong gumawa ng mabuti.21Panginoon kong Diyos,huwag nʼyo akong pababayaan;huwag nʼyo akong lalayuan.22Panginoon kong Tagapagligtas,agad nʼyo po akong tulungan.Biblica, Inc.