Mga Salmo36

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David, ang lingkod ng Panginoon.

1Bumubulong ang kasalanansa puso ng masamang tao.Ni wala man lang siyang takot sa Diyos.2Dahil mataas ang tingin niya sa kanyang sarili,hindi niya nakikita ang kanyang kasalananupang kamuhian ito.3Ang kanyang mga sinasabiay puro kasamaan at kasinungalingan.Hindi na niya iniisip ang paggawang ayon sa karunungan at kabutihan.4Kahit siyaʼy nakahiga,nagbabalak siya ng masama.Napagpasyahan niyang gumawa nang hindi mabuti,at hindi niya tinatanggihan ang kasamaan.
5Panginoon, ang inyong pag-ibig at katapatanay umaabot hanggang sa kalangitan.6Ang inyong katuwiranay kasintatag ng kabundukan.Ang inyong paraan ng paghatolay sinlalim ng karagatan.Ang mga tao o hayop manay inyong iniingatan, O Panginoon.7Napakahalaga ng pag-ibig nʼyongwalang hanggan, O Diyos!Nakakahanap ang tao ng pagkalinga sa inyo,tulad ng pagkalinga ng inahing manoksa kanyang mga inakay sa ilalimng kanyang pakpak.8Sa inyong tahanan ay pinakakain nʼyo silanang masaganang handa,at pinaiinom nʼyo sila sa inyong ilogng kaligayahan.9Dahil kayo ang nagbibigay ng buhay.Pinapaliwanagan nʼyo kami,at naliliwanagan ang aming isipan.10Patuloy nʼyong ibiginang mga kumikilala sa inyo,at bigyan nʼyo ng katarunganang mga namumuhay nang matuwid.11Huwag nʼyong payagang akoʼy tapakanng mga mapagmataaso itaboy ng mga masasamâ.12Ang masasamang taoay mapapahamak nga.Silaʼy babagsak at hindi na muling makakabangon pa.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3