Mga Salmo35
Awit na isinulat ni David.
1Panginoon, kontrahin nʼyo poang mga kumukontra sa akin.Labanan nʼyo ang mga kumakalaban sa akin.2Kunin nʼyo ang inyong kalasag,at akoʼy inyong tulungan.3Ihanda nʼyo ang inyong mga sibat,para sa mga taong humahabol sa akin.Gusto kong marinig na sabihin nʼyo,“Ako ang magpapatagumpay sa iyo.”4Mapahiya sana ang mga taong naghahangad na akoʼy patayin.Paatrasin nʼyo at biguin ang mga nagpaplanong masama sa akin.5Maging gaya sana sila ng ipana tinatangay ng hangin,habang silaʼy itinataboy ng inyong anghel.6Maging madilim sana at madulasang kanilang dinadaanan,habang silaʼy hinahabol ng inyong anghel.7Naghukay sila at naglagay ng bitagpara sa akin,kahit wala akong ginawang masama sa kanila.8Dumating sana sa kanila ang kapahamakannang hindi nila inaasahan.Sila sana ang mahuli sa bitagna kanilang ginawa,at sila rin ang mahulog sa hukayna kanilang hinukay.9At akoʼy magagalakdahil sa inyong pagliligtas sa akin,Panginoon.10Buong puso kong isisigaw,“Panginoon, wala kayong katulad!Kayo ang nagliligtas sa mga dukhaat api mula sa mga mapagsamantala.”11May mga malupit na taong sumasaksilaban sa akin.Ang kasalanang hindi ko ginawaay ibinibintang nila sa akin.12Ginagantihan nila ako ng masamasa mga kabutihang aking ginawa,kaya akoʼy labis na nagdaramdam.13Kapag silaʼy nagkakasakit akoʼy nalulungkotpara sa kanila;nagdaramit ako ng sakoat nag-aayuno pa.At kung ang aking dalanginpara sa kanilaʼy hindi sinasagot,14palakad-lakad akong nagluluksana parang nawalan ng kapatid o kaibigan.Akoʼy yumuyuko at nagdadalamhatipara sa kanilana para bang nawalan ako ng ina.15Ngunit nang ako na ang nahihirapan,nagtitipon sila at nagtatawanan.Nagsasama-sama ang mga kumakalaban sa akin;kahit ang mga hindi ko kilalaay sumasamaʼt walang tigilna akoʼy hinahamak.16Kinukutya nila akonang walang pakundangan,at ang kanilang mga ngipinay nagngangalit sa sobrang galit.17Panginoon, hanggang kailan kayomanonood lang?Iligtas nʼyo na ako sa mga sumasalakay na itona parang mga leon na gustoakong lapain.18At sa gitna ng karamihan,kayoʼy aking papupurihanat pasasalamatan.19Huwag nʼyong payagan na matuwaang aking mga kaawaysa aking pagkatalo.Ang mga galit sa akinnang walang dahilanay huwag nʼyong payagang kutyain ako.20Walang maganda sa sinasabi nila,sa halip sinisiraan nila ang namumuhaynang tahimik.21Sumisigaw sila sa akinna nagpaparatang,“Aha! Nakita namin ang ginawa mo!”22Panginoon, alam nʼyo ang lahat ng ito,kaya huwag kayong manahimik.Huwag kayong lumayo sa akin.23Panginoon kong Diyos, ipagtanggol po ninyoako sa kanila.24Ipahayag po ninyo na akoʼywalang kasalanan,O Panginoon kong Diyos,dahil kayo ay matuwid kung humatol.Huwag ninyong hayaangakoʼy kanilang pagtawanan.25Huwag nʼyong hayaang sabihin nilasa kanilang sarili,“Sa wakas, nangyari rin ang gustonaming mangyari,natalo na rin namin siya!”26Mapahiya sana silang nagmamalaki sa akinat nagagalak sa aking mga paghihirap.27Sumigaw sana sa kagalakanang mga taongnagagalak sa aking kalayaan.Palagi sana nilang sabihin,“Purihin ang Panginoonna nagagalak sa tagumpayng kanyang mga lingkod.”28Ihahayag ko sa mga taoang inyong pagkamakatuwiran,at buong maghapon ko kayongpapupurihan.Biblica, Inc.