Mga Salmo34

Awit na isinulat ni David noong siyaʼy nagbaliw-baliwan sa harapan ni Abimelec, kaya itinaboy siya nito at siyaʼy umalis.

1Pupurihin ko ang Panginoonsa lahat ng oras.Ang aking bibig ay hindi titigilsa pagpupuri sa kanya.2Ipagmamalaki ko ang gawa ng Panginoon;maririnig ito ng mga apiat silaʼy magagalak.3Halikayo! Ipahayag natinang kadakilaan ng Panginoon,at itaas natin ang kanyang pangalan.4Akoʼy nanalangin sa Panginoonat akoʼy kanyang sinagot.Pinalaya niya ako sa lahatng aking takot.5Ang mga umaasa sa kanyaay nagniningning ang matasa kaligayahan,at walang bahid ng hiyasa kanilang mukha.6Noong wala na akong pag-asa,tumawag ako sa Panginoon.Akoʼy kanyang pinakingganat iniligtas sa lahat ng mga dinaranaskong kahirapan.7Ang anghel ng Panginoonay nagbabantaysa mga may takot sa Diyos,at ipinagtatanggol niya sila.
8Subukan ninyo at inyong makikita,kung gaano kabuti ang Panginoon.Napakapalad ng taong naghahanap ng kaligtasan  sa kanya!9Kayong mga hinirang ng Panginoon,matakot kayo sa kanya,dahil ang may takot sa kanyaay hindi kukulangin sa lahatng pangangailangan.10Kahit mga leon ay kukulanginsa pagkain at magugutom,ngunit hindi kukulanginng mabubuting bagayang mga nagtitiwala sa Panginoon.11Lumapit kayo, kayong gustong matuto sa akin.Pakinggan ninyo ako at tuturuan ko kayong pagkatakot sa Panginoon.12Kung nais ninyo ng masayaat mahabang buhay,13iwasan ninyo ang masamang pananalitaat pagsisinungaling.14Lumayo kayo sa masamaat gawin ninyo ang mabuti.Pagsikapan ninyong kamtinang kapayapaan.15Iniingatan ng Panginoonang mga matuwid,at pinakikinggan niya ang kanilang mga daing.16Ngunit kinakalaban ng Panginoonang mga gumagawa ng masama.Silaʼy kanyang nililipolhanggang sa hindi na sila maalalang mga tao sa mundo.17Tinutugon ng Panginoon ang panalanginng mga matuwid,at inililigtas sila sa lahat ng mga suliranin.18Malapit ang Panginoonsa mga may bagbag na puso,at tinutulungan niya ang mga nawawalan ng pag-asa.
19Marami ang paghihirapng mga matutuwid,ngunit inililigtas sila ng Panginoonsa lahat ng ito.20Silaʼy iniingatan ng Panginoon,at kahit isang buto nilaʼy hindi mababali.21Ang masamang tao ay papatayinng kanyang kasamaan.At silang nagagalit sa taong matuwiday parurusahan ng Diyos.22Ngunit ililigtas ng Panginoonang kanyang mga lingkod,at hindi parurusahan ang isa mansa mga naghahanap ng kaligtasan sa kanya.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3