Mga Salmo31

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1Panginoon, sa inyo ako humihingi ng kalinga.Huwag nʼyong hayaang akoʼy mapahiya.Iligtas nʼyo ako sapagkat kayo ay matuwid.2Pakinggan nʼyo ako at agad na iligtas.Kayo sa akin ay batong kanlungan,at pader na tanggulanpara sa aking kaligtasan.3Dahil kayo ang aking matibayna batong kanlungan,pangunahan nʼyo ako at patnubayannang kayo ay aking maparangalan.4Ilayo nʼyo ako sa bitag ng aking mga kaaway,dahil kayo ang aking matibay na tanggulan.5Ipinagkakatiwala ko sa inyongmga kamay ang aking espiritu.Iligtas nʼyo ako, Panginoon,dahil kayo ang Diyos na maaasahan.
6Panginoon, namumuhi ako sa mga sumasambasa mga diyos-diyosan na walang kabuluhan,dahil sa inyo ako nagtitiwala.7Akoʼy magagalak sa inyong pag-ibig,dahil nakita nʼyo ang aking pagdurusa,at nalalaman nʼyo ang tinitiis kong kahirapan.8Hindi nʼyo ako ibinigay sa aking mga kaaway,sa halip iniligtas nʼyo ako sa kapahamakan.9Panginoon, kahabagan nʼyo po ako,dahil akoʼy labis nang nahihirapan.Namumugto na ang aking mga mata sa pag-iyak,at nanghihina na ako.10Ang buhay koʼy punong-puno ng kasawian;umiikli ang buhay kodahil sa pag-iyak at kalungkutan.Nanghihina na ako sa kapighatiang aking nararanasan,at parang nadudurog na ang aking mga buto.11Kinukutya ako ng aking mga kaaway,at hinahamak ng aking mga kapitbahay.Iniiwasan na ako ng mga dati kong kaibigan;kapag nakikita nila ako sa daan,akoʼy kanilang nilalayuan.12Para akong patay na kanilang kinalimutan,at parang basag na sisidlangwala nang halaga.13Marami akong naririnig na banta laban sa akin.Natatakot akong pumunta kahit saan,dahil plano nilang patayin ako.14Ngunit ako ay nagtitiwala sa inyo, Panginoon.Sinasabi kong,“Kayo ang aking Diyos!”15Ang aking kinabukasan ay nasa inyong mga kamay.Iligtas nʼyo po ako sa aking mga kaaway na umuusig sa akin.16Ipadama nʼyo ang inyong kabutihan sa akin na inyong lingkod.Sa inyong pagmamahal, iligtas nʼyo ako.17Panginoon, huwag nʼyong payagang akoʼy mapahiya,dahil sa inyo ako tumatawag.Ang masasama sana ang mapahiyaat manahimik doon sa libingan.18Patahimikin nʼyo silang mga sinungaling,pati ang mga mayayabang at mapagmataasna binabalewala at hinahamakang mga matutuwid.
19O kay dakila ng inyong kabutihan;sa mga may takot sa inyo,pagpapalaʼy inyong inilaan.Nakikita ng karamihan ang mga ginawa nʼyong kabutihansa mga taong kayo ang kanlungan.20Itinago nʼyo sila sa ilalimng inyong pagkalinga.At doon ay ligtas sila sa mga masamang balakat pang-iinsulto ng iba.
21Purihin ang Panginoon,dahil kahanga-hanga ang pag-ibig niyang ipinakita sa akinnoong akoʼy naipit sa isangsinasalakay na bayan.22Doon akoʼy natakot at nasabi ko,“Binalewala na ako ng Panginoon.”Ngunit narinig niya pala ang aking kahilingan,at akoʼy kanyang tinulungan.
23O, kayong tapat niyang mga mamamayan,mahalin ninyo ang Panginoon.Iniingatan niya ang mga tapat sa kanya,ngunit lubos ang kanyang parusa sa mga mapagmataas.24Magpakatatag kayoat lakasan ninyo ang inyong loob,kayong mga umaasa sa Panginoon.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3