Mga Salmo30
Awit na isinulat ni David para sa pagtatalaga ng Templo.
1Panginoon, pupurihin ko kayo,sapagkat akoʼy iniligtas nʼyo.Hindi nʼyo pinayagang insultuhin akong aking mga kaaway.2Panginoon kong Diyos,humingi ako ng tulong sa inyo,at pinagaling nʼyo ako.3Iniligtas nʼyo ako sa kamatayan.Hindi nʼyo niloob na akoʼy mamatay.4Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon,kayong mga tapat sa kanya.Papurihan ninyo ang kanyangbanal na pangalan.5Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal,ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman.Maaaring sa gabi ay may pagluha,pero pagsapit ng umaga ay may ligaya.6Sa panahon ng aking kaginhawahanay aking sinabi,“Wala akong pangangambahan.”7Itoʼy dahil sa kabutihan nʼyo, Panginoon.Pinatatag nʼyo ako tuladng isang bundok.Ngunit nang lumayo kayo sa akin,ako ay nanlumo.8Tumawag ako sa inyo, Panginoon,at nanalangin ng ganito:9“Ano ang mapapala mo kung akoʼy mamatay?Makakapagpuri pa ba ang mga patay?Maipapahayag pa ba nila ang inyong katapatan?10Panginoon, pakinggan nʼyo akoat kahabagan.Tulungan nʼyo ako, Panginoon!”11Ang aking kalungkutan ay pinalitan nʼyong sayaw ng kagalakan.Hinubad nʼyo sa akin ang damit na panluksa,at binihisan nʼyo ako ng damit ng kagalakan,12upang hindi ako tumahimik,sa halip ay umawit ng papuri sa inyo.Panginoon kong Diyos,kayo ay aking pasasalamatan magpakailanman.Biblica, Inc.