Mga Salmo32
Awit na isinulat ni David. Isa itong maskil.
1Mapalad ang isang taona ang mga pagsuwayat mga kasalanan ay pinatawadat kinalimutan na ng Panginoon.2Mapalad ang tao na ang kasalananay hindi ibinibintang sa kanya ng Panginoon,at walang pandaraya sa kanyang puso.3Noong hindi ko pa ipinagtatapatang aking mga kasalanan,buong araw akoʼy nanlulumoat nanghihina ang aking katawan.4Araw-gabi, hirap na hirap akodahil sa tindi ng inyong pagdidisiplina sa akin. Nawalan na ako ng lakas,tulad ng natuyong tubigsa panahon ng tag-araw.5Ngunit sa wakas ay ipinagtapat koang aking mga kasalanan sa inyo;hindi ko na ito itinago pa.Sinabi ko nga sa sarili ko,“Ipagtatapat ko na ang aking mga kasalanan sa Panginoon.”At pinatawad nʼyo ako.6Kaya ang lahat ng matapatay manalangin sana sa inyo,habang may panahon pa.Kung dumating man ang kapighatianna parang baha,hindi sila mapapahamak.7Kayo ang aking kublihan;iniingatan nʼyo ako sa oras ng kaguluhan,at pinalilibutan nʼyo akong mga awit ng kaligtasan.8Sinabi ng Panginoon sa akin,“Ituturo ko sa iyo ang daanna dapat mong lakaran.Papayuhan kita habang binabantayan.9Huwag kang tumulad sa kabayo o molana walang pang-unawa,na kailangan pang rendahanupang mapasunod.”10Maraming hirap ang mararanasanng taong masama,ngunit mamahalin ng Panginoonang sa kanya ay nagtitiwala.11Kayong mga matuwid, magalak kayoat magsaya sa Panginoon.Kayong mga namumuhay ng tama,sumigaw kayo sa galak!Biblica, Inc.