Mga Salmo27

Awit na isinulat ni David.

1Ang Panginoon ang aking ilawat Tagapagligtas.Sino ang aking katatakutan?Siya ang nagtatanggol sa akinkaya wala akong dapat katakutan.2Kapag sinasalakay akong masasamang taoo ng aking mga kaawayupang patayin,sila ang nabubuwal at natatalo!3Kahit mapaligiran ako ng maraming kawal,hindi ako matatakot.Kahit salakayin nila ako,magtitiwala ako sa Diyos.4Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon,ito ang tanging ninanais ko:na akoʼy manirahan sa kanyang Templo habang akoʼy nabubuhay,upang mamasdan ko ang kanyang kadakilaan,at hilingin ang kanyang patnubay.5Sa oras ng kagipitaʼy itatago niya akosa kanyang Templo,at ilalagay niya akosa ligtas na lugar.6Kaya mananaig ako sa mga kaaway kona nakapaligid sa akin.Maghahandog ako sa Templo ng Panginoonhabang sumisigaw sa kagalakan,umaawit at nagpupuri.
7Dinggin nʼyo Panginoon ang aking pagtawag.Kahabagan nʼyo akoat sagutin ang aking dalangin.8Panginoon, hinipo nʼyo ang aking pusona lumapit sa inyo,kaya narito ako,lumalapit sa inyo.9Huwag nʼyo po akong pagtaguan!Ako na alipin nʼyo ay huwag nʼyong itakwildahil sa inyong galit.Kayo na laging tumutulong sa akin,huwag nʼyo akong iwanan at pabayaan,O Diyos na aking Tagapagligtas.10Iwanan man ako ng aking mga magulang,kayo naman, Panginoon,ang mag-aalaga sa akin.11Ituro nʼyo sa akin ang daanggusto nʼyong lakaran ko.Patnubayan nʼyo ako sa tamang daan,dahil sa mga kaaway kona gusto akong gawan ng masama.12Huwag nʼyo akong ibigay sa aking mga kaaway,dahil akoʼy kanilang pinagbibintanganng kasinungalingan,at nais nilang akoʼy saktan.13Ngunit naniniwala ako na mararanasan ko ang kabutihan nʼyo, Panginoon,habang akoʼy nabubuhay dito sa mundo.
14Magtiwala kayo sa Panginoon!Magpakatatag kayoat huwag mawalan ng pag-asa.Magtiwala lamang kayo sa Panginoon!

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3