Mga Salmo28

Awit na isinulat ni David.

1Tumatawag ako sa inyo, Panginoon,ang aking Batong kanlungan.Dinggin nʼyo ang aking dalangin!Dahil kung hindi, matutulad akosa mga patay na nasa libingan.2Pakinggan nʼyo ang aking pagsusumamo!Humingi ako sa inyo ng tulong,habang itinataas ang aking mga kamaysa harap ng inyong banal na Templo.3Huwag nʼyo akong parusahankasama ng masasamâ.Nagkukunwari silang mga kaibigan,pero ang plano palaʼy pawang kasamaan.4Gantihan nʼyo sila ayon sa kanilang mga gawa.Parusahan nʼyo sila ayon sa masama nilang gawa.5Dahil binabalewala nilaang mga gawa ng Panginoon,gigibain nʼya sila at hindi naibabangon muli.6Purihin ang Panginoon,dahil pinakinggan nʼya ang aking pagsusumamo.7Kayo ang nagpapalakasat nag-iingat sa akin.Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso.Tinutulungan nʼyo ako,kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat.8Kayo, Panginoon, ang kalakasanng inyong mga mamamayan.Iniingatan nʼyo ang inyong haring hinirang.9Iligtas nʼyo po at pagpalain ang mga mamamayang pag-aari ninyo.Katulad ng isang pastol,bantayan nʼyo sila,at kalungin magpakailanman.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3