Mga Salmo26

Awit na isinulat ni David.

1Patunayan nʼyo, Panginoon,na akoʼy walang kasalanan,dahil akoʼy namumuhay nang matuwid,at nagtitiwala sa inyo nang walang pag-aalinlangan.2Siyasatin at subukin nʼyo ako, Panginoon.Suriin nʼyo ang aking pusoʼt isipan,3dahil lagi kong naaalala ang inyong pagmamahal,at namumuhay ako na pinanghahawakanang inyong katapatan.4Hindi ako sumasamasa mga taong sinungalingat mapagpanggap.5Kinaiinisan ko ang mga pagsasama-samang masasamang tao,at hindi ako nakikisama sa kanila.6Naghuhugas ako ng kamayupang ipakitang akoʼy walang kasalanan.Pagkatapos, pumupunta ako sa inyong altar,O Panginoon,7at umaawit ng papuriʼt pasasalamat.Sinasabi ko sa mga taoang lahat ng inyong mga kahanga-hangang ginawa.8Panginoon, mahal ko ang iyong tahanan,na siyang kinaroroonan ng inyong kaluwalhatian.9Huwag nʼyo po akong parusahangkasama ng mga makasalanan,gaya ng mga mamamatay-tao.10Palagi silang handang gumawa ng masama,at nanghihingi ng suhol.11Ngunit akoʼy namumuhay nang matuwid,kaya tubusin nʼyo ako at inyong kahabagan.
12Ngayon, ligtas na ako sa panganib,kaya pupurihin ko kayo, Panginoon,sa gitna ng inyong mamamayang nagtitipon-tipon.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3