Mga Salmo21

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1Panginoon, nagagalak ang hari sa kalakasanna inyong ibinibigayLabis siyang nasisiyahan sa bigayninyong tagumpay.2Ibinigay nʼyo sa kanyaang kanyang hinahangad;hindi nʼyo ipinagkaitang kanyang kahilingan.3Tinanggap nʼyo siya,at pinagkalooban ng masaganang pagpapala.Pinutungan nʼyo ang ulo niyang koronang yari sa purong ginto.4Hiniling niya sa inyo na dagdaganang buhay niya,at binigyan nʼyo siya ng mahabang buhayna magpakailanman.5Dahil sa pagbibigay nʼyong tagumpay sa kanya,naging tanyag siya at makapangyarihan.6Sapagkat nagtitiwala siya sa inyo, Panginoon,pinagpala nʼyo siya ng mga pagpapalangwalang katapusan,at pinasaya nʼyo siya sa inyong piling.7At dahil minamahal nʼyo siya nang tapat,Kataas-taasang Diyos,hindi siya mabubuwal.
8Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan,matatalo nʼyo ang lahat nʼyong mga kaaway.9At kapag kayo ay dumating,Panginoon,lilipulin nʼyo sila.Dahil sa galit nʼyo, siyaʼy tutupukinna parang dayamisa naglalagablab na apoy.10Uubusin nʼyo ang lahat ng mga anak nilasa buong kalupaan,upang wala nang magpatuloyng kanilang lahi.11Nagbabalak sila ng masamalaban sa inyo,ngunit hindi sila magtatagumpay.12Tatakas sila kapag nakita nilang nakatutok nasa kanila ang inyong pana.13Panginoon, pinupuri namin kayodahil sa inyong kalakasan.Aawit kami ng mga papuridahil sa inyong kapangyarihan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3