Mga Salmo20
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.
1Pakinggan nawa ng Panginoon ang iyong mga daing,sa oras ng kaguluhan.At sanaʼy ingatan kang Diyos ni Jacob.2Sanaʼy tulungan ka niyamula sa kanyang Templo roon sa Zion.3Sanaʼy tanggapin niya ang iyong mga handog,pati na ang mga handog mong sinusunog.4Sanaʼy ibigay niya ang iyong kahilingan,at ang iyong mga binabalak ay magtagumpay.5Sa pagtatagumpay mo kamiay sisigaw sa kagalakan,at magdiriwang na nagpupuri sa ating Diyos.Ipagkaloob nawa ng Panginoonang lahat mong kahilingan.6Ngayoʼy alam kong ang Diyosang nagbibigay ng tagumpaysa haring kanyang hinirang.Sinasagot niya mula sa banal na langitang kanyang dalangin,at lagi niyang pinagtatagumpaysa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.7May mga umaasa sa kanilang mga kabayoat karwaheng pandigma,ngunit kami ay umaasasa Panginoon naming Diyos.8Silaʼy manghihina at tuluyang babagsak,ngunit kami ay magiging matatag at magtatagumpay.9Panginoon, pagtagumpayin nʼyoang hinirang nʼyong hari.At sagutin nʼyo kami kapag kamiay tumawag sa inyo.Biblica, Inc.