Mga Salmo22
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na inaawit sa tono ng awiting “Ang Usa sa Umaga.”
1Diyos ko, Diyos ko, bakit nʼyo ako pinabayaan?Bakit kay layo nʼyo sa akin?Dumadaing ako sa hirap,ngunit hindi nʼyo pa rinako tinutulungan.2Diyos ko, araw-gabiʼytumatawag ako sa inyo,ngunit hindi nʼyo ako sinasagot,kaya wala akong kapahingahan.3Ngunit banal ka,at nakaluklok kasa iyong trono,at pinupuri ng mga Israelita.4Ang aming mga ninunoay sa inyo nagtiwala,at silaʼy inyong iniligtas.5Tinulungan nʼyo silanang sila ay tumawag sa inyo.Sila ay nagtiwala at hindi nabigo.6Akoʼy hinahamak at hinihiya ng mga tao.Sinasabi nila na para akong higadat hindi tao.7Bawat makakita sa akinay nangungutya, nang-aasar,at iiling-iling na nagsasabi,8“Hindi baʼt nagtitiwala ka sa Panginoon,bakit hindi ka niya iniligtas?Hindi baʼt nalulugod siya sa iyo,bakit hindi ka niya tinulungan?”9Ngunit kayo ang naglabas sa akinsa sinapupunan ng aking ina,at tinuruan nʼyo akong magtiwala sa inyokahit noong akoʼy sanggol pa lamang.10Mula sa aking pagsilang,akoʼy nakadepende na sa inyo,mula si sinapupunan,ikaw ang aking Diyos.11Huwag po kayong maging malayo sa akin,dahil ang kaguluhan ay malapitnang dumating,at walang ibang makakatulong sa akin.12Napapaligiran ako ng maraming kaaway,tulad nilaʼy mga mababangis na toromula sa Bashan.13Para rin silang mga leong umaatungalat nakanganga na handa akong lapain.14Nawalan ako ng lakasna parang tubig na ibinubuhos,at ang aking mga butoay parang nalinsad lahat.At nawalan ako ng lakas ng loob,para akong nauupos na kandila.15Ang aking kalakasan ay natuyona parang tigang na lupa,at ang aking dila ay dumidikitsa aking ngala-ngala.O Panginoon, pinabayaan nʼyo ako sa lupana parang isang patay.16Pinapalibutan ako ng mga masasama,para silang mga asong nakapaligid sa akin.At tinusok nila ang aking mga kamay at mga paa.17Naglalabasan na ang lahatng aking mga buto,ngunit akoʼy kanilang tinitingnan lamang.18Ang aking mga damitay kanilang pinaghati-hatian,nagpalabunutan sila para sa akingpanloob na kasuotan.19Ngunit kayo, Panginoon,huwag po kayong maging malayo sa akin.Kayo ang aking kalakasan;magmadali kayo at akoʼy tulungan.20Iligtas nʼyo ang buhay kosa espada ng aking mga kaawayna tulad ng mga pangil ng aso,21Iligtas nʼyo ako sa mga kuko ng leon,o sungay ng toro.Sagutin nʼyo po ang aking dalangin.22Ikukuwento ko sa mga kababayan koang lahat ng tungkol sa inyo.At sa gitna ng kanilang pagtitipon,kayo ay aking papupurihan.23Kayong may takot sa Panginoon,purihin ninyo siya!Kayong mga lahi ni Jacob na siyang bayan ng Israel,parangalan ninyo siyaat matakot kayo sa kanya!24Hindi niya binabalewala ang mga mahihirap.Hindi niya sila tinatalikuran,sa halip ay pinakikinggan pa niyaang kanilang mga pagtawag.25Panginoon, sa inyo nagmumulaang kasiglahan kong magpuri sa inyosa gitna ng buong sambayanan.Sa gitna ng mga taong may takot sa inyo,tutuparin ko ang aking mga pangako sa inyo.26Kakain ang mga dukha hanggang sa mabusog.Pupurihin kayo ng mga lumalapit sa inyo.Sanaʼy sumakanila ang mabutiat mahabang buhay magpakailanman.27Panginoon, maaalala kayo ng taosa buong mundo,at sila ay manunumbalik at sasamba sa inyo,28sapagkat kayo ang naghahari,at namumuno sa lahat ng bansa.29Kaya magdiriwang at sasamba sa inyoang lahat ng mayayamansa buong mundo.Luluhod sa inyo ang lahat ng mga mortal,sila na babalik sa alikabok.30Ang susunod na salinlahiay maglilingkod sa inyo.At tuturuan nila ang kanilang mga anakng tungkol sa inyo, Panginoon.31Balang araw, silang hindi pa ipinapanganakay malalaman ang mga ginawa ninyo,at maging ang pagliligtas nʼyosa inyong mga mamamayan.Biblica, Inc.