Mga Salmo19

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1Ipinapakita ng kalangitanang kaluwalhatian ng Diyos!Inihahayag ng kalawakanang gawa ng kanyang mga kamay.2Araw-araw, sinasabi ng kalangitanang tungkol dito,gabi-gabi, ipinaaalam ng kalawakanang tungkol sa kanyang kapangyarihan.3Kahit walang salita o tinigna mula sa kanilaʼy naririnig,4napapakinggan pa rin sa buong daigdigang kanilang salitaʼt tinig.Doon sa kalangitan,iginawa ng Diyos ang araw ng tirahan.5Tuwing umagaʼy sumisikat itokatulad ng isang lalaking ikakasalna masayang lumalabasng kanyang tahanan.O kayaʼy isang manlalarong kampeonna sabik na sabik sumabak sa takbuhan.6Itoʼy sumisikat sa silangan,at lumulubog sa kanluran;walang di mahahagip ng initnitong taglay.
7Ang kautusan ng Panginoonay walang kamalian.Itoʼy nagbibigay sa atinng bagong kalakasan.Ang mga turo ng Panginoonay mapagkakatiwalaan,at nagbibigay karunungansa mga kulang sa kaalaman.8Ang mga tuntunin ng Panginoon ay tamaat sa pusoʼy nagbibigay kagalakan.Ang mga utos ng Panginoon ay malinawat nagbibigay-liwanag sa kaisipan.9Ang pagkatakot sa Panginoonay nagpapadalisay ng puso;mananatili ito magpakailanman.Ang mga utos ng Panginoonay matuwidat makatarungan.10Ang mga itoʼy higit pa kaysa gintokahit pa sa purong ginto,at mas matamis pakaysa sa pulot-pukyutan.11Ang inyong mga utos,ay nagbibigay babala sa akinna inyong lingkod.May dakilang gantimpalakapag itoʼy aking sinusunod.
12Hindi namin napapansinang aming mga kamalian.Kaya linisin po ninyo akosa mga kasalanang hindi ko nalalaman.13Ilayo rin ninyo akosa kasalanang sadya kong ginagawa.Huwag po ninyong payaganna alipinin ako nito.At mamumuhay akonang walang kapintasan,lubos na lalayasa maraming kasalanan.
14Nawaʼy maging kalugod-lugod sa inyo Panginoonang aking iniisip at sinasabi.Kayo,ang aking batong kanlunganat tagapagligtas!

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3