Mga Salmo2

1Bakit nagsasabwatan ang mga bansaat ang mga taoʼy nagpaplanonang walang patutunguhan?2Ang mga hari ng mundoʼyhanda nang makipagdigma,ang mga pinuno ay nagkaisalaban sa Panginoon,at laban sa kanyang Mesias.3Sinabi nila,“Lagutin natin ang kanilang mga kadenaHuwag na tayong pasakop kanila!”
4Ngunit siyang nakaupo sa kanyang trono sa langitay natatawa lang, at kumukutya sa kanila.5Sa galit ng Diyos, silaʼy binigyang-babala,at sa tindi ng kanyang poot silaʼy natatakot.
6Sinabi niya,“Iniluklok ko na ang hinirang kong harisa kanyang trono sa Zion, sa banal kong bundok.”
7Sinabi ng hari,
“Sasabihin ko ang sinabisa akin ng Panginoon:‘Ikaw ang aking Anak, at ngayon,ako na ang iyong Ama.
8Sa akiʼy hilingin mo ang mga bansasa buong mundo,at ibibigay ko ito bilang mana mo.9Pamumunuan mo sila,at walang sasalungat sa iyong pamamahala.Silaʼy magiging parang palayokna iyong dudurugin.’ ”
10Kaya kayong mga hari at pinuno sa buong mundo,unawain ninyo ang mga salitang itoat pakinggan ang mga babala laban sa inyo.11Paglingkuran ninyo ang Panginoon nang may takot,at magalak kayo sa kanya.12Magpasakop kayo sa hari na kanyang hinirang,kung hindi ay baka magalit siya at kayoʼy ipahamak niya.Mapalad ang mga nanganganlong sa Panginoon.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3