Mga Salmo1

1Pinagpala ang taong hindi namumuhayayon sa payo ng masasamao sumusunod sa maling halimbawang mga makasalanan,at hindi nakikisamasa mga taong mapangutya.2Sa halip ay nagagalak siyang sumunodsa mga aral mula sa Panginoon,at kanyang pinagbubulay-bulayanang mga ito araw-gabi.3Siyaʼy katulad ng isang punongkahoyna itinanim sa tabi ng sapa,namumunga sa takdang panahonat hindi nalalanta ang mga dahon.Magtatagumpay siyasa anumang gagawin niya.
4Ngunit iba ang mga taong masama;silaʼy tulad ng ipana tinatangay ng hangin.5Sa araw ng paghatol,silaʼy parurusahanat ihihiwalay sa matutuwid.
6Sapagkat pinapatnubayan ng Panginoonang matutuwid,ngunit ang buhay ng taong masamaay hahantong sa kapahamakan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3