Mga Salmo3

Awit na isinulat ni David nang takasan niya ang kanyang anak na si Absalom.

1Panginoon, kay dami kong kaaway;kay daming kumakalaban sa akin!2“Hindi siya ililigtas ng Diyos.”Iyan ang sinasabi ng karamihan tungkol sa akin.3Ngunit kayo Panginoon ang aking kalasag.Pinagtatagumpay ninyo ako,at ibinabalik ang aking pag-asa.4Tumawag ako sa inyo, Panginoonat sinagot nʼyo akomula sa inyong banal na bundok.5At dahil iniingatan nʼyo ako,nakakatulog ako at nagigising pa.6Hindi ako matatakotkahit ilang libo pang kaawayang nakapalibot sa akin.
7Pumarito kayo, Panginoon!Iligtas nʼyo ako, Diyos ko,dahil noon ay inilagay nʼyo sa kahihiyanang lahat ng mga kaaway ko,at inalis mo sa mga masamang taoang kanilang kakayahang saktan ako.8Kayo, Panginoon, ang nagliligtas.Kayo rin po ang nagpapalasa inyong mga mamamayan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3