Mga Salmo18

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Isang awit na isinulat ni David, ang lingkod ng Panginoon. Inawit niya ito noong iniligtas siya ng Panginoon sa kamay ng kanyang mga kalaban at kay Saul.

1Minamahal ko kayo Panginoon,kayo ang aking kalakasan.2Panginoon, kayo ang aking matibayna batong kanlunganat tagapagligtas.Kayo, O Diyos, ang aking matibayna batong kanlunganna nag-iingat sa akin,kayo ang aking pananggalang,tanggulan at matatag na kuta.3Karapat-dapat kayong purihin, Panginoon,dahil kapag tumatawag ako sa inyo,inililigtas nʼyo ako sa mga kalaban ko.
4Ang kamatayaʼy parang lubidna nakapulupot sa akinat parang bitag sa aking daraanan,na para ring malakas na agosna tumatangay sa akin.6Kinakabahan ako!Humingi ako ng tulong sa inyo,Panginoon na aking Diyos.At mula sa inyong Templo,pinakinggan nʼyo ang panalangin ko.
7Dahil sa inyong galit ay lumindol,maging ang pundasyon ng mga bundok ay nayanig.8Umusok din ang inyong ilong,at ang inyong bibig ay bumuga ng apoyat mga nagliliyab na baga.9Binuksan nʼyo ang langit at kayoʼy bumabâ,at tumuntong sa maitim at makapal na ulap.10Kayoʼy sumakay sa isang kerubin,at mabilis na lumipad na dala ng hangin.11Ginawa nʼyong talukbong ang kadiliman,at nagtago kayo sa maitim na ulap.12Mula sa ningning ng kanyang presensyaʼylumitaw ang makakapal na ulap,at bumagsak ang mga yelo at nagliliyab na baga.13Ang tinig nʼyo, Kataas-taasang Diyos na aming Panginoon,ay dumadagundong mula sa langit.14Pinana nʼyo ng kidlat ang inyong mga kalabanat nataranta silang nagsitakas.15Sa inyong tinig at matinding galit,natuyo ang dagat at nakitaang lupa sa ilalim nito,pati na rin ang pundasyon ng mundo ay nalantad.16At mula sa langit akoʼy inabot nʼyoat inahon mula sa malalim na tubig.17Iniligtas nʼyo ako sa kapangyarihanng aking mga kalaban na hindi kokayang labanan.18Sinalakay nila ako sa oras ng aking kagipitan.Ngunit sinaklolohan nʼyo ako, Panginoon.19Dinala nʼyo ako sa lugar na walang kapahamakandahil nalulugod kayo sa akin.20Pinagpala nʼyo akodahil akoʼy namumuhay sa katuwiran.Sa kalinisan ng aking kamayakoʼy inyong ginantimpalaan.21Dahil sinusunod ko ang inyong kalooban,at hindi ko kayo tinalikuran,Panginoon na aking Diyos.22Tinutupad ko ang lahat ng inyong utos.Ang inyong mga tuntunin ay hindi ko sinusuway.23Alam nʼyong namumuhay ako nang walang kapintasan,at iniiwasan ko ang kasamaan.24Kaya naman akoʼy inyong ginagantimpalaan,dahil nakita nʼyong matuwid ang aking pamumuhay.25Tapat kayo sa mga tapat sa inyo,at mabuti kayo sa mabubuting tao.26Tapat kayo sa mga taong totoo sa inyo,ngunit tuso kayo sa mga taong masama.27Inililigtas nʼyo ang mga mapagpakumbaba,ngunit ang nagmamataasay inyong ibinababa.
28Panginoon kong Diyos, kayo ang nagbibigaysa akin ng liwanag.Sa gitna ng kadilimankayo ang aking tanglaw.29Sa tulong nʼyo, kaya kong salakayinang grupo ng mga sundalo,at kaya kong akyatin ang paderng kanilang tanggulan.30Ang pamamaraan nʼyo,O Diyos ay walang kamalian.Ang inyong mga salita ay maaasahan.Kayoʼy katulad ng isang kalasagsa mga kumakanlong sa inyo.31Sapagkat kayo lang, Panginoon,ang tunay na Diyos,at wala nang iba.At kayo lang talagaang aming Batong kanlungan.32Kayo, O Diyos, ang nagbibigay sa akin ng kalakasan,at nagbabantay sa aking daraanan.33Pinatatatag nʼyo ang aking paatulad ng paa ng usa,upang maging ligtas ang pag-akyat kosa matataas na lugar.34Sinasanay nʼyo ako sa pakikipaglaban,at ang aking brasoʼy nakakabanat ng panang tanso.35Ang katulad nʼyo ay kalasag na nag-iingat sa akin.Inaakay nʼyo ako sa pamamagitanng inyong kapangyarihan,at dahil sa tulong nʼyo, naging tanyag ako.36Pinaluwang nʼyo ang aking daraanan,kaya hindi ako natitisod.37Hinabol ko ang aking mga kalabanat inabutan ko sila,at hindi ako tumigilhanggang sa naubos ko sila.38Hinampas ko sila hanggang sa magsibagsak,at hindi na makabangon sa aking paanan.39Binigyan nʼyo ako ng lakas sa pakikipaglaban,kaya natalo ko ang aking mga kaaway.40Pinaatras ninyo ang aking mga kaawayat pinatay ko ang mga galit sa akin.41Humingi sila ng tulong,ngunit walang tumulong sa kanila.Tumawag din sila sa inyo Panginoon,ngunit kayoʼy hindi tumugon.42Dinurog ko sila hanggang sa naging alikabok na langna inililipad ng hangin,at tinatapak-tapakan na parang putik sa kalsada.43Akoʼy iniligtas nʼyo sa mga rebelde,at ginawa nʼyo akong pinunong maraming bansa.Kahit ang mga hindi nakakakilala sa akin,pinaglingkuran na nila ako ngayon.44Yumuyukod sila sa aking harapan.Naririnig pa lang nila ang tungkol sa akin,sumusunod agad sila sa utos ko.45Nawawalan sila ng lakas ng loob,kaya lumalabas sila sa kanilang pinagtataguanna nanginginig sa takot.46Buháy kayo, Panginoon!Karapat-dapat kayong purihin at dakilain,O Diyos na aking batong kanlunganat Tagapagligtas!47Kayo, O Diyos, ang naghihiganti para sa akin,at ipinapasailalim mo ang mga bansasa aking kapangyarihan.48Inililigtas nʼyo ako sa mararahas kong kalaban,at pinagtatagumpay nʼyo ako sa kanila.49Kaya pararangalan ko kayo sa mga bansa.O Panginoon, aawitan ko kayo ng mga papuri.50Sa hinirang nʼyong hariay nagbigay kayo ng maraming tagumpay.Ipinapadama ninyo ang inyong wagas na pag-ibigsa inyong hinirang na si Davidat sa lahat ng kanyang lahi, magpakailanman.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3