Mga Salmo17

Ito ay panalangin ni David.

1O Panginoon, pakinggan ninyoang taimtim kong dalangin.Dinggin nʼyo po ang hiling kong katarungan.2Alam nʼyo kung sino ang gumagawa ng matuwid,kaya sabihin nʼyo na wala akong kasalanan.3Siniyasat nʼyo ang puso ko,at kahit sa gabiʼy sinusubukan nʼyo ako,ngunit wala kayong nakitanganumang kasalanan sa akin.Napagpasyahan ko na hindi akomagsasalita ng masama4gaya ng ginagawa ng iba.Dahil sa inyong mga salita,iniiwasan ko ang paggawang masama at kalupitan.5Palagi kong sinusunod ang inyong kagustuhan,at hindi ako bumabaling sa kaliwao sa kanan man.
6O Diyos sa inyo akoʼy dumadalangin,dahil alam kong akoʼy inyong diringgin.Pakinggan nʼyo po ang aking mga hiling.7Ipakita nʼyo ang inyong pag-ibigsa pamamagitan ng inyong kahanga-hangang gawa.Alam ko, sa inyong kapangyarihan,inyong inililigtas ang mga taongnanganganlong sa inyomula sa kanilang mga kaaway.8Ingatan nʼyo ako katulad ng pag-iingatng tao sa kanyang mga mata,at kalingain nʼyo gaya ng inahing manoksa kanyang mga sisiw sa ilalimng kanyang mga pakpak.9Ipagtanggol nʼyo po akosa aking mga kaawayna nakapaligid sa akinat nagtatangka sa aking buhay.
10Silaʼy mga walang awaat mayayabang magsalita.11Akoʼy hinanap nilaat ngayoʼy kanilang napapaligiran.Naghihintay na lamang sila ng pagkakataong itumba ako.12Para silang mga leonna nakakubliʼt nag-aabang,at nakahandang sumakmal ng mga biktima.
13O Panginoon, mga kaaway koʼy talunin.Sa pamamagitan ng inyong tabak,akoʼy inyong iligtas mulasa mga taong masasama.14Iligtas nʼyo ako sa mga makamundong taona ang gusto lamang ay ang mga bagay ng sanlibutan.Kaming mga minamahal ninyoay biyayaan ng kasaganaan,pati ang aming mga anak,hanggang sa aming kaapu-apuhan.
15Dahil akoʼy matuwid, makikita ko kayo.At sapat na sa akin ang makita ka sa aking paggising.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3