Mga Salmo16

Awit na isinulat ni David. Isa itong miktam. 

1O Diyos, ingatan nʼyo po ako,dahil sa inyo ako nanganganlong.
2Sinabi ko sa Panginoon,“Kayo ang aking Panginoon.Lahat ng kabutihang nakamtan koay mula sa inyo.”3Tungkol naman sa mga taong banalna nasa lupaing ito,lubos ko silang kinalulugdan.4Ngunit ang mga piniling sumambasa mga diyos-diyosanay lalong mahihirapan.Hindi ako sasáma sa paghahandog nila ng dugosa kanilang mga diyos-diyosan,at ayaw kong banggitin man langang pangalan ng mga ito.
5Panginoon, kayo ang lahat sa aking buhay.Lahat ng pangangailangan koʼy inyong ibinibigay.Kinabukasan koʼy nasa inyong mga kamay.6Ang mga biyayang kaloob nʼyo sa akinay parang kaaya-ayang taniman.Tunay na napakagandang pamana nʼyo sa akin.7Pupurihin ko kayo, Panginoon, na sa akin ay nagpapayo.At kahit sa gabiʼy pinaaalalahanan ako ng aking budhi.8Panginoon palagi ko kayong iniisip,at dahil kayo ay lagi kong kasama, hindi ako matitinag.9Kayaʼt nagagalak ang aking puso,at akoʼy panatag, dahil alam kong ligtas ako.10Sapagkat hindi ninyo pababayaanna mapunta ako sa lugar ng mga patay;hindi nʼyo hahayaang mabulok sa libinganang matapat ninyong lingkod.11Itinuro ninyo sa akin ang landaspatungo sa buháyna puno ng kasiyahan,at sa piling nʼyo, aking matatagpuanang ligayang walang hanggan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3