Mga Salmo15
Awit na isinulat ni David.
1Panginoon, sino ang maaaring tumirasa inyong banal na Tolda?Sino ang karapat-dapat na tumirasa inyong Banal na Bundok?2Sumagot ang Panginoon,“Ang taongnamumuhay ng tama,walang kapintasan at taos-pusong nagsasabing katotohanan,3hindi naninirang puri,at hindi nagsasalitaat gumagawa ng masamalaban sa kanyang kapwa.4Itinatakwil niya ang mga taong ubod ng sama,ngunit pinararangalan niyaang mga taong may takot sa Diyos.Tinutupad niya ang kanyang ipinangakokahit na mahirap gawin.5Hindi nagpapatubo sa kanyang mga pautang,at hindi tumatanggap ng suholupang sumaksi laban sa taongwalang kasalanan.”Ang taong gumagawa ng ganitoay hindi matitinag kailanman.Biblica, Inc.