Mga Salmo150
1Purihin ang Panginoon!Purihin ninyo ang Diyos sa kanyang templo.Purihin siya sa langit,ang kanyang matibay na tirahan.2Purihin siya dahilsa kanyang mga dakilang mga gawa.Purihin siya dahil sa kanyangkapangyarihang walang kapantay.3Purihin siya sa tunog ng mga trumpeta!Purihin siya sa saliw ng mga alpa at lira!4Purihin siya sa tugtog ng mga tamburinat sumayaw.Purihin siya sa tugtogng mga instrumentongmay kuwerdas at mga plauta.5Purihin siya sa matutunogna mga pompyang.Purihin siya sa mga taginting nito.6Ang lahat ng may buhayay magpuri sa Panginoon.Purihin ang Panginoon!
Biblica, Inc.