Mga Kawikaan1
1Ito ang mga kawikaan ni Solomon na anak ni David, hari ng Israel.2Sa pamamagitan ng mga kawikaang ito,magkakaroon ka ng karunungan,maitutuwid ang iyong ugaliat iyong mauunawaanang mga aral na sa iyoʼymagbibigay karunungan.3Sa pamamagitan din nitoʼy magiging disiplinado ka,dahil itinuturo nito ang matuwidna paraan ng pamumuhay,mabuting pag-uugali, paggawa ng tama,at pagiging makatarungan.4Makapagbibigay ito ng karunungansa mga walang kaalamanat sa kabataaʼy magtuturong tamang pagpapasya.5Sa pakikinig nito, ang marunongay lalong magiging marunongat ang may pinag-aralanay magiging dalubhasa6sa pag-unawa sa kahuluganng mga kawikaan,mga talinghaga, at mga bugtongng marurunong.7Ang pagkatakot sa Panginoonang simula ng karunungan.Ngunit sa hangal, walang halagaang karununganat ayaw niyang maturuan.
Payo sa Pag-iwas sa Masamang Tao
8Anak, dinggin mo ang turo at pagtutuwidsa iyong pag-uugali ng iyong mga magulang,9dahil itoʼy makapagbibigaysa iyo ng karangalankatulad ng koronang gawa sa bulaklakat makapagpapaganda katulad ng kuwintas.10Anak, huwag kang padadalasa panghihikayat ng mga taongmakasalanan.11Huwag kang sasáma kapag sinabi nilang,“Halika, sumáma ka sa amin!Bilang katuwaan, mag-abang tayo ng papatayin,manambang tayo ng inosente.12Kahit nasa kasibulan pang kanilang buhay,patayin natin sila upang matulad silasa mga taong pumuntasa lugar ng mga patay.13Makakakuha tayo sa kanilang mga mamahaling ari-arian,at pupunuin natin ang ating mga bahayng ating mga nasamsam.14Sige na, sumáma ka na sa amin,at paghahatian natinang ating mga nasamsam.”15Anak, huwag kang sumáma sa kanila;iwasan mo sila.16Sapagkat mabilis silasa paggawa ng masamaat sa pagpatay ng tao.17Walang kabuluhan ang paglalagay ng bitagkung ang ibong iyong huhulihinay nakatingin.18Ngunit ang taong masasama,hindi nila alam na sila rinang magiging biktima ng ginagawa nila.19Ganyan ang mangyayarisa mga taong ang ari-arianay nakuha sa masamang paraan.Mamamatay silasa ganoon ding paraan.Kapag Itinakwil ang Karunungan
20Ang karunungan ay sumisigawsa lansangan,sa pamilihan siya ay humihiyaw.21Nilalakasan niya ang kanyang bosessa plasa at sa pintuang-bayanat nagsasabing:22“Kayong mga walang alam,hanggang kailan kayomananatiling ganyan?Kayong mga nanunuya,hanggang kailan kayo matutuwasa inyong panunuya?Kayong mga hangal,hanggang kailan ninyotatanggihan ang karunungan?23Pakinggan ninyoang pagsaway ko sa inyo.Sasabihin ko sa inyokung ano ang iniisip ko.Ipapaalam ko sa inyoang aking sasabihin laban sa inyo,24sapagkat hindi ninyo pinansinang panawagan kona lumapit kayo sa akin,25at binalewala ninyoang lahat ng aking payoat hindi tinanggapang aking pagsaway.26Dahil ditoʼy pagtatawanan ko kayokapag napahamak kayo.Kukutyain ko kayokapag natatakot kayo,27kapag dumating ang kinatatakutanninyo na parang bagyo,kapag dumaan ang kapahamakansa inyo na parang ipuipo,at kapag sumapitsa inyo ang hinagpis at gulo.28“Tatawag kayo sa akin,ngunit hindi ko kayo sasagutin.Hahanapin ninyo akongunit hindi ninyo ako makikita.29Dahil ayaw ninyo na tinuturuan kayoat wala kayong takot sa Panginoon.30Tinanggihan ninyo ang mga payo koat minasama ang aking pagsaway sa inyo.31Kaya aanihin ninyo ang bungang inyong mga ginagawaat ng mga binabalak nʼyong masama.32Sapagkat ang katigasan ng ulong mga taong wala sa katinuanang papatay sa kanila,at ang pagsasawalang-bahalang mga hangal ang magpapahamak sa kanila.33Ngunit ang taong nakikinig sa akinay mabubuhay ng matiwasay,ligtas siya sa panganibat walang katatakutan.”Biblica, Inc.