Mga Salmo149

1Purihin ang Panginoon!Umawit kayo ng bagong awit sa Panginoon.Purihin nʼyo siya sa pagtitiponng kanyang tapat na mga mamamayan.
2Magalak ang mga taga-Israelsa kanilang Manlilikha.Magalak ang mga taga-Zionsa kanilang Hari.3Magpuri sila sa kanyasa pamamagitan ng pagsasayaw;at tumugtog sila ng tamburinat alpa sa pagpupuri sa kanya.4Dahil ang Panginoon ay nalulugodsa kanyang mga mamamayan;pinararangalan niya ang mga mapagpakumbabasa pamamagitan ng pagbibigaysa kanila ng tagumpay.
5Magalak ang mga tapat sa Diyosdahil sa kanilang tagumpay;umawit sila sa tuwakahit sa kanilang mga higaan.6Sumigaw sila ng pagpupuri sa Diyoshabang hawak ang matalim na espada,7upang maghiganti at magparusasa mamamayan ng mga bansa,8upang gapusin ang kanilang mga hariat ikadena ang kanilang mga pinuno,9at parusahan sila ayon sa utos ng Diyos.Itoʼy para sa kapurihanng mga tapat na mamamayan ng Diyos.Purihin ang Panginoon!

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3